Chapter 2

374 23 13
                                    

Chapter 2


Tamlay na tamlay akong nakakatitig sa wine glass na nasa harapan ko. Kanina pa ako rito magisa sa veranda habang nasa harapan ang wine na ito na hindi ko rin naman ginagalaw.

It's exactly one week had passed since I agree about that marriage at mamaya ang family dinner na sinet ni daddy kasama ang pamilya ng lalaking papakasalan ko raw. Ngayon ay nakauwi na ulit ako rito sa amin. Ibinalik na rin ni dad lahat ng kinuha niya sa akin nung umalis ako, ang mga credit cards at ang kotse ko. Mabibili ko na ulit ang lahat ng gusto ko kahit gaano pa iyon kamahal it's actually great pero tamlay na tamlay pa rin ako tuwing maiisip ang tungkol sa kasal na iyon.

"Arrghh. Calm down, Sol." Kinuha ko ang wine glass at nilagok ang laman non.

"Ma'am Sol, pinapatawag na po kayo ni sir at ma'am sa baba, handa na raw po ang breakfast." Nag angat ako ng tingin sa nag salita. I saw a maid, I forgot her name dahil hindi naman ako magaling kumabisado ng pangalan ng mga kasambahay rito. I just nod instead.

"Alright, paki ayos na ang mga iyan." Sabi ko at tumayo na.

Nag lakad na ako pababa at pumunta sa dining. Una kong natanaw si Daddy na may hawak na newspaper at si Mommy na abala pa sa harap mg sink. Nung isang araw lang din si Dad nakalabas sa hospital mabuti nga at mukhang malakas na talaga siya ngayon.

"Morning." Maikling bati ko na nakaagaw sa atensyon nila. Ibinaba ni Dad ang newspaper na hawak at nilingon ako.

"Good morning." Sabay nilang bati sa akin.

"Mamayang gabi ang dinner natin kasama ang buong pamilya ng papakasalan mo, Sol. Be prepared." Paalala ni Dad. Napanguso ako.

"We know, Alegro but please let's not talk about that now." Sabi ni Mom at umupo na rin sa tabi ni Dad.

"Let's just eat, Dad." Sabi ko at nag simula ng kumain.

Itinaas ko ang kamay ko at ipinikit ang isang mata at nag kunwaring hinuhuli ang araw. Narito ako sa pool side at nakahiga sa sun  lounger para mag relax. I'm wearing a bikini dahil gusto ko rin sanang mag langoy pero nag bago ang isip ko.

Kinuha ko ang librong binabasa ko na nakapatong sa lemsa sa gilid ko. I started reading quietly pero ng magsawa na ay itinakip ko iyon sa mukha ko at pumikit.

"Ma'am Sol, ito na po ang strawberry shake niyo." Rinig kong sabi ng maid.

"Just put it down." Ibinalik ko ang libro sa lamesa at kinuha ang shades ko. Isinuot ko iyon at muling pumikit.

Patulog na ako ng marinig ko ang pag tawag sa pangalan ko. I rolled my eyes pero hindi ako nag abalang kumilos.

"Ma'am may bisita po kayo." Sabi ng maid. Kumumot ang noo ko at napaupo, bisita?

"Papasukin mo." Sabi ko, she nodded and turn her back on me. Wala akong inaasahan na bisita pero malamang ay si Trin iyon, wala namang ibang bumibisita sa akin kung hindi siya.

Kinuha ko ang strawberry shake at tinikman iyon, this is delicious ang strawberry ay medyo buo buo pa at tama lang ang timpla plus this is so cool.

"Are you chilling right now?" Nanlaki ang mata ko at halos maibuga pa ang shake na nasa bibig ko ng marinig ang boses na iyon.

Tristan walks towards me, umupo siya sa katabing sun lounger paharap sa akin. Nag mamadaling kinuha ko ang robe at sinuot iyon.

"What are you doing here?" Gulat na tanong ko.

"You didn't tell me na aalis ka na sa bahay so I visited you." He said and shrugged. He's right pati ang pag papaapam ay hindi ko nagawa sa kaniya nung araw na umalis ako roon sa kanila.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon