Chapter 17

190 8 0
                                    

Chapter 17

Hindi ko nagawang makatulog pa ulit ng maayos buhat ng mga narinig ko kaninang madaling araw. Hindi na iyon nawala sa isip ko at hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Feeling ko nga sasakit lang ang ulo ko kakaisip tungkol doon.

Bakit kasi gano'n? Anong tinatago?

May karelasyon ba siyang babae? Nanlaki ang mata ko! IMPOSIBLE! Bakit para silang nag aaway? Pero hindi eh. Kakaiba ang pagiging mahinhin ng boses ng kausap niya kagabi. Parang pilit lang na nililiitan ang boses at pinapahinhin.

Huminga ako ng malalim at nag pagilong gilong sa kama.

"Hey, you okay?" Agad akong tumigil sa pag gigilong gilong sa kama ng marinig ko ang boses ni Travon. Umupo ako ng maayos at tinignan siya.

Kakalabas niya lang sa banyo at tanging towel lang na nakapulopot sa bewang ang meron siya! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang ganda ng katawan niya. Ang tagal na naming magkasama pero ngayon ko lang siya nakitang naka ganito.

Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga maliit pang butil ng tubig na nag tutuluan mula sa kaniyang buhok pababa sa katawan niya. Napalunok ako ng mapatingin sa abs niya. Omygosh where's the palaman?! I want the nutela one!

"Hoy, ayos ka lang?" I blinked twice when I saw Travon kneeling in front of me. I was spacing out because of him. Damn it. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

"A-ayos lang," I faked a cough.

"Bakit namumula ka?" Takang tanong niya at akmang hahawakan pa ang mukha ko kaya agad akong nag iwas.

Ako namumula? Mygod!

"Ayos ka lang ba talaga?" Kunot noong tanong niya.

Mabilis akong tumango. "O-o..A-ano lang ang lapit mo masyado," I cleared my throat and fake a cough.

"Arte nito," He chuckled. "If I know you just enjoyed the view." He added and stood up.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero ng muling mapatingin ako sa kabuuan niya napahinga na lang ako ng malalim at nag iwas ng tingin. Mygosh, Solana!

"A-ano ba. Mag damit ka na nga," Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya at tumayo.

"Arte so much, kung makatitig naman, you can touch my body. Gusto mo?" Pag aasar niya pa at malakas na tumawa.

Pakiramdam ko tuloy mas pumula ang pisgi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na lang ginantihan ang hirit niya at mabilis na akong nag lakad palabas ng kwarto. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Nag lakad ako pababa at dumeretso sa kitchen. Kumuha ako ng baso at kumuha rin sa ref ng malamig na tubig.

"I'll go ahead, mhie," Nilunok ko ang tubig na nasa bibig ko at ibinaba sa kitchen counter ang basong hawak ko ng marinig ang boses niya.

He's now wearing his formal business attire. Ready na sa trabaho.

I smiled and nodded.

"Ingat," I said shortly.

Tinaasan niya pa ako ng kilay at mapang asar na nginitian bago ako tuluyang tinalikuran. Napangiwi naman ako sa inasta niya at napairap.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon