Chapter 18

259 16 0
                                    

Chapter 18

Nasa isang coffee shop kami ni Tito Ramon. Hindi pamilyar sa akin ang lugar pero base sa napansin ko may kalayuan ito sa company. Simple lang ang paligid pero maaliwalas at maganda. May ilan ding costumers malayo sa pwesto namin.

Mag kaharap kami ngayon kaharap din ang dalawang kapeng inorder namin. May ilang minuto na rin kaming narito pero tahimik lang kami simula pa kanina. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag kailang, sa totoo lang I don't know how to start the conversation.

"Dito kami palaging nag da-date ni Tanya noon," Nag angat ako ng tingin ng magsalita si Tito. Nakangiti siya habang nililibot ang paningin sa paligid, tila bumabalik ang mga alaala noon.

Hindi ko napigilan ang pag ngiti.

"Mukhang parehas po kayong mahilig sa kape," Nakangiti kong sabi.

Hinarap ako ni tito at nakangiting inilingan. "Siya lang ang mahilig sa kape. Tuwing break time noon parati ko siyang nakikita na nag kakape. Kahit mainit ang panahon hindi niya pinapalampas," Napailing pa siya.

"Nag kagusto ako sa kaniya at niligawan ko siya. Isa ang lugar na ito sa nakasaksi kung paano kami nag simula. Doon din pinangako ko sa sarili ko na papakasalan ko siya at araw-araw kada umaga ako ang mag titimpla ng kape niya," He said.

"Waking up everyday with my wife and son is the best thing happened to me," He added and smiled.

Matamis akong napangiti dahil sa narinig. Nalaman ko nga kanila Mom na highschool sweethearts pala si Tito Ramon at Tita Tanya and hearing those words makes my heart flatter. That's so sweet.

"I'm sure you're the happiest guy, Tito," Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang kape at sandaling sumimsim doon bago maingat na ibinaba ulit sa harapan ko.

"Of course, I am," He shrugged.

"How about you, hija? Well I saw you earlier at the company,"

"Ahh," Napatango ako. "I came to visit Travon. Nag dala po ako ng lunch niya," I smiled.

Tito Ramon nooded. "Mukhang nagkakasundo na talaga kayo ano? I'm glad," Maliit siyang ngumiti.

"Sana lang kung narito rin ang kakambal niya para nasaksihan niya ang kaganapang ito," Malungkot na sabi ni tito dahilan para kumunot ang noo ko.

Kakambal? May kakambal pala si Travon? Gulat na gulat akong nakatingin kay tito at mukhang napansin niya iyon kaya mahina siyang natawa, akal ko sasabihin niya na nag bibiro lang siya pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Wala akong sinabihan ni-isa ng tungkol sa pagkakaroon niya ng kakambal. Iyon ay dahil wala akong balita sa kaniya at hindi ko siya kayang ipakilala sa publiko gano'ng wala naman siya sa tabi namin," Huminga siya ng malalim.

"Mahal namin ni Tanya ang isa't isa simula noon pero hindi kami tanggap ng pamilya namin. Hindi namin iniwan ang isa't isa kahit pinutol parehas ng pamilya namin ang yaman na nakasayanan namin. Nag tanan kami ni Tanya at namuhay ng simple, mahirap lang ang buhay baliktad na baliktad sa nakasayanan namin. Nabuntis ko siya sa gitna ng paghihirap namin kaya mas lalo kaming naghirap pero kahit gano'n hindi kami lumapit sa pamilya namin para humingi ng tulong, kinaya namin ang lahat ng hirap dumating pa nga ilang beses sa punto na gusto niyang mag hiwalay na lang kami dahil sa sobrang kahirapan pero hindi ako pumayag. Kabila't kanang trabaho ang pinasukan ko para lang matustusan namin ang gastusin sa araw-araw..." Huminga ng malalim si tito, nakita ko ang simpleng pag pupunas niya ng luha dahil sa pag iwas niya ng tingin sa akin.

"Hanggang dumating ang araw na nanganak siya. Hindi namin inaasahan na kambal pala sila. We named them Travon Orst and Travis Orst. Akala ko dahil nganganak na siya makakabalik na ako sa pag ttrabaho para magkaroon ulit kami ng pera pero kabaliktaran iyon. Hindi kaya ni Tanya na alagaan sila pareho at hindi rin sapat ang kinikita ko bilang kargador sa palengke. Pitong taon sila ng may lumapit sa amin mula sa mayamang pamilya. They want to adopt our twins hindi kami pumayag nung una dahil maling pagkakamali iyon at gusto namin na kami ang magpapalaki sa kambal kahit gaano kahirap ang buhay pero may parte rin sa amin na kahit man lang isa sa kanila ay makaahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay. Sobrang naghihirap din kami nung mga panahon na iyon at nag kasakit pa ako dahil sa sobrang pagod sa trabaho araw-araw. Kaya kahit labag man sa loob namin pumayag kaming ampunin si Travis," I bit my lower lip, hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon