Chapter 7

215 14 0
                                    

Chapter 7


Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. Umupo ako sa kama at tinignan ang kanang bahagi kung saan ang pwesto ni Travon pero wala na siya roon.

Kinukusot ko pa ang mata habang nag lalakad pababa. Balak kong bumisita ngayon kay Dad sa opisina pero masyado pa namang maaga.

Nag ayos ako ng pag titimpla ng kape ng makarating sa kusina. Luminga inga ako sa paligid ng marealized na wala rin rito si Travon pero natigilan ako ng dumapo ang tingin ko pag harap sa kitchen island at may pagkain na nakatakip doon, may note pa.

This is for you, mhie. -T. Qrst.

Binuksan ko iyon at napangiti ng makitang waffles iyon.

Kumuha ako ng syrup sa ref at umupo sa high chair tsaka nag simula ng kumain. Napangiti ako ng matikman iyon, napaka perpekto ng lasa.

But wait where is he?

Ipinilig ko na lang ang ulo at ipinag patuloy ang pagkain.

Bumalik ako sa kwarto ng matapos kumain. Kahit hindi ako sanay ay niligpitan ko na rin ang nag iisang platong pinag kainan ko. Hindi ko alam pero sa tagal na rin naming magkasama ngayon ko lang narealized na dapat talaga kahit sa ganong gawain lang ay tinutulungan ko siya lalo pa at kami lang naman dalawa rito.

Naupo muna ulit ako sa kama at natulala ng makita ang cellphone ko sa side table. Kinuha ko iyon at hinanap ang pangalan ni Travon sa contants. Pinindot ko ang pangalan niya at nag tipa ng sasabihin.

Ako:
Sa'n ka?

I shake my head at binura rin iyon. Bakit ko ba siya hinanap? siguro ay may importante siyang lakad na hindi ko naman dapat malaman.

"Siya nga hindi nag tatanong kung saan ka napunta pag naalis ka, do the same, Sol." Bulong ko sa sarili.

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang cellphone sa side table. Siguro hindi lang ako sanay na tahimik. Kada umaga kasi ay bunganga niya ang nagising sa akin dahil sa malakas niyang pag kanta.

Bago pa ako mabaliw ay tumayo na ako para maligo. Wala rin naman akong gagawin dito mas mabuti pa sigurong pumunta na ako sa company.

Naligo ako at nag bihis. Kinuha ko ang Loui Vuitton'ng handbag ko ng matapos ako sa pag aayos ng sarili. Bumaba na ulit ako at nag lakad palabas. I locked the door bago ako pumunta sa grahe at sumakay sa kotse ko. Kahapon ko lang ulit ito nakuha.

I started the engine and started driving. I turned the streo on at mahinang sinabayan ang kantang tumugtog doon.

Taas noo akong lumabas sa kotse ng makarating sa company. Marami ang bumati sa akin ng makita ako na sinusuklian ko lang ng tipid na ngiti.

"Good morning, ma'am Sol." Bati sa akin ng secretary ni Dad ng makarating ako sa tapat ng office ni niya.

I nodded. "Is he here?" I asked.

"Yes po. I'll inform Mr. Samatra po na nandito kayo--" I cut her off.

"No, I'll come in." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tuluyan na akong pumasok sa office ni Dad.

Nakita ko si Dad na nakaupo sa swivel chair niya ng makapasok ako. He's reading something kaya siguro hindi naramdaman ang presensya ko.

"Dad," I called him. Nag angat siya ng tingin sa akin kaya tipid akong ngumiti. Nag lakad ako palapit sa kaniya at umupo sa upuang nasa harapan.

"Hey, Sol. You didn't tell me you will come here." He said. Nag kibit balikat lang ako.

"But what brings you here?" Tanong niya. "Is there something wrong?" He added.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon