Chapter 24

301 12 2
                                    

Chapter 24

"Totoo ba pauwi ka na?" Excited na tanong Trin habang kausap ko siya sa skype.

Sumimsim ako sa Vanilla Latte at tumango sa kaniya. Nandito ako ngayon sa The Dineen Coffee Co nang tumawag siya. Isa ito sa paborito kong cafe rito sa Canada dahil sa masasarap nilang menu at sa relaxing na paligid. Ito rin kasi ang huling araw ko sa bansang ito kaya naisip kong mag libot libot at dito nga ako dinala ng mga paa ko.

"OMG! Excited na ako! Sobrang miss na kita!" Tili niya pa.

"Yup. Me too." Nakangiting sabi ko.

"Alam mo lalo kang gumanda. Bumagay sa'yo lalo 'yang curl mong buhok and the blonde color."

Nahaplos ko tuloy ang buhok dahil sa sinabi niya. Last month lang ako nag iba ng hairstyle I just want to try something new and guess what the new hairstyle suits me.

"I know." Maarteng sabi ko at ngumisi.

"Knor? Gosh! The accent!" 

"Ano pa lang oras uwi mo?" She asked.

"9pm." I answered shortly.

Hindi talaga nauubusan ng salita ang babaeng ito. Kung walang tigil ang bibig niya noon lalo naman ngayon pero siguro dahil iyon sa tagal naming hindi nakapag usap, ang dami niyang kwento. Masyado akong abala nitong mga nakaraang buwan sa trabaho kaya hindi na kami masyadong nakakapag usap at ngayon nga lang din ako nagka oras.

Nang maubos ang oras ko roon sa pakikipag usap kay Trin ay tsaka lang ako umuwi dahil mag aayos pa ako ng mga gamit dahil mamayang 9pm ang flight ko.

Tahimik ang bahay nang makauwi ako. Walang grandma ang sumalubong sa akin. Isang taon ang nakalipas ng lumala ang sakit niya at kumalat sa ibang parte ng katawan niya, mas nanghina siya at hindi nakayanan kaya kalaunan ay binawian din siya ng buhay.

Umuwi sila Mommy dito nung mga panahong iyon at sandali ring nanatili rito para samahan ako pero agad ding bumalik sa pilipinas.

Gustuhin ko mang sumama pauwi sa plipinas ng mga panahong iyon ay nagulat ako sa nalaman. Ang dahilan kung bakit ako ang pinapunta rito nila Dad noon at kung bakit narito pa ako ngayon ay dahil sa akin inilipat ni grandma ang kaniyang yaman. Kailangan ko ng sapat na oras para asikasuhin ang mga naiwan sa akin ni grandma bago ako umuwi sa pilipinas.

Matapos mangyari ang lahat ng iyon. I learned to live alone, inilipat ko si Isabel sa resort dahil hindi ko naman siya pwedeng tanggalin dahil lang wala na si grandma. Alam ko rin naman kung gaano kahalaga ang trabaho para sa kaniya. Pinag aralan ko ang mga gawaing bahay lalo ang pag luluto at masaya ako dahil sa wakas ay kaya ko na. Napagtatanto ko kahit gaano ka pa kayaman hindi lahat ay maidadaan sa pera, mas pinapadali nga ng pera ang buhay mo dahil makukuha mo ang lahat ng gusto iyon lang hindi mo naman ito maisasama sa hukay.

My grandmother was a billioner pero walang nagawa ang pera para mas humaba ang kaniyang buhay sa mundong ito.

Sinimulan ko ang pag aayos ng gamit nang mag ring ang doorbell. Agad akong tumayo at lumabas para buksan iyon then I saw Ryan.

"Ry!" Nakangiti akong kumaway bago tuluyang binuksan ang gate para sa kaniya.

"Sol," Parang naiiyak na salubong niya at yumakap agad sa'kin.

"What happened?" Tanong ko at hinagod ang likuran niya.

Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang ibabang mata. Nag tatanong tuloy akong nakatingin sa kaniya ng mag tama ang paningin namin.

"Are you okay?" I raised a brow.

"No. I'm sad okay! You're going home to the philippines!" Parang batang nag susumbong siya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon