Chapter 22

210 9 0
                                    

Chapter 22


Ibang iba ang Canada sa pilipinas tho it's not my first time here but this is my first time na I'm staying here for good? I guess? Tuwing bakasyon, pasko o kapag boring lang ako umuuwi rito kay grandma para may kasama rin siya but right now I have to stay with her. She have her own business in here kaya rin hindi niya maiwan ang bansang ito and just like my dad and mom told me gano'n din ang rason nila kaya hindi nila maiwan ang pilipinas pero bibisita naman daw sila rito so that's not a problem.

I miss grandma, too. Hindi kami nakabisita last year and knowing that she's sick right now is making me sad.

Tulala ako sa labas ng bintana ng eroplano, just wearing my airpods while listening to taylor swift songs. Mahina kong sinasabayan ang kanta, nililibang ang sarili. Pakiramdam ko kasing taas ng lipad ng eroplanong ito o mas mataas pa ang lipad ng iniisip ko ngayon, umiling na lang ako. Gusto kong kung anong naiwan ko sa pilipinas ay doon na lang.

"Miss, I think you need this?" Gulat akong tumingin sa katabi ng naramdaman ko ang pag kulbit niya sa akin. He smiled and handed me the handkerchief, kumunot ang noo ko bago pa napagtanto na umiiyak pala ako. My cheeks are wet! Damn it! Hindi ko namalayan. Kahit gaano pa kalakas ang music ko ay walang silbi iyon sa lalim ng naiisip ko.

"Thank you," Mahinang sabi ko at tinanggap na lang iyon. I wiped my tears immediately. He did't say a word nakatingin lang siya sa akin kaya bahagyang kinain ako ng kahihiyan. I wonder kung kanina niya pa napansin na umiiyak pala ako? I turned off my music and face him. Ngumiti ako.

"Thank you for this, uhm. I'll wash it first before I give it back. When we meet again of course," Tinaas ako ang kanang kamay, animo'y nanunumpa. He chuckled at dahil doon ay sumilay ang kaniyang mababaw na dimple.

"It's okay. Keep it. Mukhang kailangam mo iyan," My eyes widened when he spoke tagalog.

"Woah, you know how to speak tagalog ha?" I said, amused. Paano kung maririnig ang pag eenglish niya napakalalim at grabe ang accent tapos ngayong nag salita siya ng tagalog ay mukhang sa pilipinas siya lumaki kahit kitang kita na amerikano siya! Pinakatitigan ko siya, naningkit ang mga mata ko at ng oras na nilabanan niya ang titig ko gamit ang asul niyang mata ay napatakip ako ng bibig ng makilala siya.

"Omygod! You are-" bago pa ako makapag salita at tinakpan niya ang bibig ko. He smiled at me and nodded. Sa tamis ng ngiti niya ay naintindihan ko agad ang gusto niyang iparating. He removed his hands at dali naman akong umayos ng upo.

"You are Dhaniel Seavey!" Mahinang sabi ko ngunit may diin at paninigurado. He chuckled and nodded.

Dhaniel Seavey is an artist, he has a band, too! A famous band! He's a half american and half filipino actor! Kaya naman pala! Well I'm not a fan of them pero si Trin, oo! Nakikinig lang ako sa mga kanta nila pero hindi ako gano'n ka-fan unlike Trin. Omyghad ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang nakatabi ko sa eroplano ang paborito niyang artista? Napatingin muli ako sa kaniya at ngayon lang na-realize na kaya pala parang balot na balot siya. Ang kaninang facemask na tinanggal kiya ng kausapin ako ay suot niyang muli, may suot din na cap at shade.

"Yes, you got it right," aniya at kahit may facemask kitang kita ko sa mata niya ang pag ngiti.

"Are you uhm a fan?" He asked. Parang humihuling pa na sana hindi.

I smiled and shook my head.

"Hindi, pero 'yong bestfriend ko, oo. She's super fan of yours. Hays ano kayang sasabihin niya kapag nalaman niya na nakatabi kita sa eroplano?" I laughed like a devil at pati siya ay parang nahawa sa akin.

I asked him kung okay lang na makipag picture para isend sa kaibigan at hindi naman siya tumanggi. I can't wait to flood her with all these pictures. Hindi ko inasahan na sobra akong malilibang. Nag kwentuhan kami at nang napagod ay nakatulog ako.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon