Chapter 30

224 5 2
                                    

Chapter 30

WARNING: A little bit SPG.

At this point I just want peace. Matapos ang nangyari sa Boracay agad akong nag book ng hotel dito sa Tagaytay Highlands. Maliban kay Trin wala akong ibang pinag sabihan ng kahit sino kung nasaan ako. Hindi rin ako nahawak ng cellphone para mag bukas ng social media, sumagot ng tawag at text. My phone is on dnd.

Tulog ako maghapon at parang kahit gaano kaganda sa lugar na ito walang makakapag palabas sa akin para lang libutin ito. Gusto ko lang matulog nang matulog.

Niyakap ko ang unan sa tabi ko at ipinikit ang mata. Balak ko ng mag book ng flight pauwi sa Canada sa makalawa, doon na lang ako ulit. Ayoko na rito, ayoko ng umasa sa kaniya. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng ito katulad kung paanong parang wala lang din sa kaniya ang lahat at alam kong makatutulong ang pag uwi ko sa Canada. I really need to move on.

"Hoy wala ka ba talagang plano bumangon? Ilang linggo ka ng deretso panay tulog lang, eh." Tinapunan ko ng tingin ang kapapasok lang na si Trin. Inirapan ko lang siya at muling ibinagsak ang ulo sa unan.

"Hays. Traffic." Sabi niya at naramdaman ko ang pag lubog ng gilid ng kama.

"What if golf tayo?" Tinapik niya ang likuran ko.

"Ayoko." Maiksing sagot ko.

"Huy ano ka ba. Masyadong maganda ang Tagaytay Highlands para tulugan mo. Dapat ine-enjoy mo." Mataray na sabi niya.

"Nag e-enjoy naman ako." Tumawa ako.

"Enjoy? Nakahiga? Psh. Boring mo." Sabi niya at tumayo.

"Here. I bought us coffee, wala ka ba namang balak lumabas. Para kang buntis na nag mumukmok kasi hindi pinanindigan ng asawa." Malakas akong natawa sa sinabi niya. Umupo ako sa kama at kinuha ang inabot niyang starbucks coffee.

Sumimsim ako sa kape pero nangasim ang mukha ko ng hindi magustuhan ang lasa. Mabilis akong tumayo at pumunta sa banyo para iluwa ang kape.

"Nyare sa'yo?" Nakataas ang kilay na tanomg niya paglabas ko sa banyo.

Pinunsan ko ang gilid ng labi, hindi mawala ang pangangasim ng mukha. "Anong kape binili mo? Bakit gano'n lasa? I don't like it." Reklamo ko at nag lakad pabalik sa kama.

"Huh? Vanilla latte 'yan, ah. Favorite mo kaya 'yan?" Nag tatakang sabi niya. Kinuha niya ang kapeng ipinatong ko sa side table at sumimsim doon.

"Okay naman?"

Umirap ako. "I don't like it. Sa susunod na bibilhan mo ako matcha na lang." I demanded, naalala ko kasi bigla 'yong matcha na nakita ko sa internet nung isang araw.

"Luh? Kung makapag demand daig pa buntis na nag c-crave, ah? Buntis ka ba?" Pabirong tanong niya at malakas na tumawa. Napangiwi ako.

"Ulul." Malutong ma mura ko sa kaniya.

"Kumain ka na ba? Order ako foods bayaran mo, ah." Sabi niya habang hawak na cellphone.

"Wala ka bang pera?" I rolled my eyes. Ibinaba niya ang cellphone na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sol, sa ating dalawa ikaw ang mas mapera. I can't believe you, kuripot mo." Bigong sabi niya at umiling iling. I chuckled.

"Whatever, sige na." Hinayaan ko na lang siya.

Naligo na rin muna ako habang hinihintay ang order namin. Saktong natapos naman ako ay dumating na rin. Sabay na kaming kumain at sabi niya uuwi na rin daw siya pagtapos naming mag lunch dahil ayaw ko naman daw lumabas, si Daniela na lang daw ang sasamahan niya mag pa-check up.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon