Chapter 23

177 8 0
                                    

Chapter 23

Habang mas tumatagal ako rito ay mas naintindihan ko rin kung bakit hindi maiwan iwan ni grandma ang bansang ito. Bukod sa dito talaga siya nakatira ay narito ang lahat ng yaman niya.

May grandmother have a lot of business. Hindi ko pinag tutuunan ng pansin iyon noon basta ang alam ko lang ay mayaman siya at talagang marami ngang negosyo, ni-hindi ko inalam kung ano ba ang mga negosyong iyon noon pero ngayon dala ng kaniyang sakit ako mismo ang nag aasikaso ng ilan niyang negosyo at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha.

Hindi ako tumaggi ng sinabi sa akin ni grandma na ako raw muna ang mag aasikaso sa mga negosyo niya dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya bukod pa roon ay wala rin naman akong ginagawa at pinag kakabaalahan so I accepted it pero hindi ko naman inaasahan na malaki pala ang mga pag mamayari niya isa na roon ng five star resort na siyang pinag kakaabalahan ko ngayon.

Mabuti na lang din talaga at hindi ako baguhan sa ganitong larangan kaya hindi ako gaano nahihirapan.

Speaking off resort narito ako ngayon  kaharap ang MacBook Pro habang abala sa pag babasa at pag rereply sa ilang emails. May isang pamilya mula sa singapore ang gustong irent ang resort na ito para sa isang linggo dahil plano raw nila ang mag bakasyon sa bansang ito na agad ko namang nireplyan.

"I missed you, Sol." Nag angat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

I smiled when I saw Ryan. Lumapit siya sa akin para makipag beso bago ipinatong ang bag sa lamesa at umupo sa harap ko.

"I missed you, Ryan." I smiled sweetly.

Ibinalik ko ang atensyon sa harap ng laptop nang hampasin niya ang lamesa ng may kalakasan. Natawa ako ng mag angat ng tingin sa kaniya, nakakunot ang kaniyang noo at nakangiwi ang itsuta.

"I told you don't call me that name! It's Riyana!" Maarteng sabi niya at umirap.

Mas lumakas ang pag tawa ko pero hindi na binawi ang sinabi. He's Ryan and yup he's gay. Dito ko rin mismo siya nakilala sa, paano dito siya nakatira. Sa araw-araw ko rito mula ng mag simula akong asikasuhin ang resort na ito ay araw-araw niya rin akong dinadaldal hindi na naman ako nagulat ng sabihin niyang kilala niya raw ako. Nasanay na lang ako sa kaniya hanggang sa naging mag kaibigan na kami.

Makulit si Ryan at talagang madaldal lalo nung una and knowing me I don't like nosy people except Trin, of course but being with Ryan with almost everyday makes me happy. Para bang may kulang sa akin na siya ang bumubuo simula ng lumipat ako rito. There's something about Ryan that makes me comfortable everytime that I'm with him.

Maybe because he reminds me of HIM dahil saan ba kami nag simula? Paano ko ba siya nakilala? 

"Hey? Tulala ka riyan?" Naagaw ni Ryan ang atensyon ko. I smiled a bit at isinara ang laptop.

Nakakainis. Lagi ko pa rin siyang iniisip kaya minsan naiisip ko rin kung ganito rin ba siya? Is he thingking about me, too? Ipinilig ko ang ulo.

"Gumagaling ka na mag tagalog ah? Goodjob." Puri ko sa kay Ryan ng mapansin ang salitang ginamit niya.

Malapad siyang ngumiti tila proud na proud sa sarili.

"Of course. Nag aaral ako para sa'yo." aniya at mapag larong itinaas baba ang kilay.

He's pure canadian at talagang dahil lang sa akin kaya siya nag aaral mag salita ng tagalog. May mga pagkakataon kasi na tagalog ang salitang ginagamit ko kapag magkasama kami na naging dahilan niya para pag aralan ang salitang tagalog dahil daw baka minumura ko na pala siya wala pa siyang kamalay malay.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon