PROLOGUE

1K 39 0
                                    

PROLOGUE

SOLANA AVERY SAMATRA

"You really have no plans to go home?" Tanong ni ate sa akin. She's sitting in front of me while holding the cup of coffee, maingat siyang sumimsim doon bago nag angat ng tingin sa akin. She's ate Luna, my only sibling, the eldest.

Nag buntonghininga ako at palihim na umirap. I don't want to be rude in front of her hanggat maaari, kaya pinag iisipan ko pang mabuti ang isasagot ko. Pero ang totoo I don't have any plans.

"Alam mo kung bakit ayaw kong umuwi, ate." Sagot ko. Kinuha ko ang toasted bread na nasa harapan ko at kumagat doon.

"Why don't you just accept it, Solana?" Ate Luna almost yelled at me. Sumama ang mukha ko at kunot noo siyang tinignan.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? You know once I comeback home, I have to do everything dad says! Palibhasa maayos ang kinalabasan ng fixed marriage mo!" Lumakas ang boses ko dahil sa inis. Ibinaba ko ang tinapay na hawak at uminom ng tibig.

Marriage. Fixed marriage. That's the main reason why I don't want to go home. Once na umuwi ako kailangan kong tanggapin ang kasal na hinanda ni Dad para sa akin. I actually aware na balang araw ay ikakasal din ako at dahil din iyon sa kagustuhan ni Dad pero hindi ko alam na mapapa-aga. 25 si ate ng ikasal at doon pa lang sinabihan na ako ni Dad na paghandaan ko rin ang pag tungtong ko sa edad na iyon dahil may naka handa rin sa aking fixed marriage kaya nga habang hindi pa ako natungtong sa edad na iyon ay ine-enjoy ko ang lahat, ginagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin dahil tanggap ko naman iyon but hell! I'm just 23! I stull have 2 years to enjoy my life as a single tapos ay biglang ibabalita sa akin ni Dad na paghandaan ko ang nalalapit kong engagement party?

He Don't even ask me first. He didn't even bother to tell kung hindi ko pa maririnig noon ang pag uusap nila ni Mom ay hindi ko malalaman so I don't have a choice kundi ang umalis sa bahay.

It's actually 1 month ago since I heard about it. At isang buwan na rin akong ginugulo ng isiping iyon, hindi ako pinigilan ni Dad at Mom nang umalis ako kaya hindi ko alam kung nagbago na ang isip nila o ano.

Sa totoo lang din ay ayaw kong mag pakita kay Dad. Nagkaroon kami ng maliit na pagtatalo ni Dad nung araw na iyon at ang huling sinabi niya lang ay "Then go, leave this house at siguraduhin mong hindi ka na magpapakita sa akin hanggat hindi mo tinatanggap ang kasunduan." kaya paano ako uuwi eh hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman tanggap iyon.

"Don't be afraid, Sol. Look at me and Grayson, our marriage is just fixed pero nag work iyon. Mag kaka-baby na nga ulit kami." Ate Luna said and smiled. Nakita ko pa ang pag haplos niya sa tiyan niya na parang kinikilig. Natigilan ako at napatitig sa kaniyang tiyan, sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang hindi mainggit kay ate una pa lang, maayos ang kinalabasan ng fixed marriage nila ni kuya Gray at kitang kita ko kung paano inaalagaan ni kuya si ate.

"Honestly I will be more glad kung nung nasa edad mo pa lang ako noon ay ipinakilala na sa akin ni Dad si Gray." She added. Walang kahit anong bakas ng pag dadalawang isip ang boses niya.

"Hindi naman kasi lahat ng fixed marriage nag wo-work, ate." Mahinang sabi ko at napatingin sa pagkaing nasa harap ko.

"Kaya nga. My point is, why don't you give it a try? I mean, I know marriage is not that easy, pero subukan mo, subukan niyo ng magiging asawa mo at kung hindi mag work, kung parehas kayong walang interes talaga do'n pwede na kayong umangal." Tumaas ang isang kilay ko at binalingan siya ng tingin. Bakit ganito ang tono ng boses siya, she sound like forcing me.

"Bakit parang pinipilit mo ako?" Naiinis na na tanong ko.

She can force me on other things pero hindi ang pag papakasal na para bang niyayaya niya lang ako mag laro.

Napansin ko ang pagiging tahimik niya kaya hindi ko inalis ang paningin dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, she's pregnat. Umayos siya ng upo at maayos akong hinarap.

"Solana the truth is.." Simula niya na para bang hindi pa sigurado kung dapat niya bang sabihin sa akin ang tungkol sa sasabihin niya.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Dad is in the hospital. He's always stressed and sometimes he's fainting kaya naka confine siya ngayon sa hospital para mag pahinga," Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni ate.

Nasa hospital si Dad at hindi ko man lang alam ang tungkol doon? Pati ba naman ito ay wala silang balak sabihin sa akin? Even mom? Gano'n ba kagalit si Dad sa akin para hindi ipaalam ang ang tungkol doon.

"We're so worried about him alam mong natanda na rin si Dad." She added.

"Kailan pa si Dad nasa hospital?" Agad na tanong ko, hindi maitago ang pag aalala.

"Solana, actually saktong isang buwan ngayon simula ng ma-confine si Dad.  Ayaw namin siyang pauwiin muna at doon pag pahingahin sa bahay dahil alam mo naman na kahit sa bahay ay trabaho pa ang inaatupag non." Malungkot na sabi ni ate.

Isang buwan na? Ibig sabihin simula pa nung umalis ako? Nakagat ko ang ibabang labi, nakaramdam ako ng inis at guilt. Inis dahil alam kong isa ako sa dahilan kaya siya naroon, maybe he's really stress about that fixed marriage na wala akong balak tanggapin. Inis dahil kung hindi pa si ate pumunta rito ay hindi ko pa malalaman, it looks like they don't have a plans to tell me!

"I'll come to him tomorrow." I said, full of finality.

Nakita ko ang pagliwanag ng itsura ni ate pero mabilis na nag iba iba iyon at napalitan ng lungkot.

"But Sol, remember Dads last words when you left?" Sandali akong natigilan. Maybe that's the reason why Dad didn't tell me about his situation. Huwag akong magpapakita hanggat hindi ko tinatanggap ang kasunduan.

"Yeah, of course. I'll start thinking about being wife" Sabi ko at tumayo na.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon