Chapter 11

186 13 0
                                    

Chapter 11


Huminga ako ng malalim habang kaharap ang sarili sa salamin.

Ngayon pa lang dapat pigilan ko na kung ano man ang nararamdaman ko dahil alam ko rin naman na wala itong patutunguhan.

I sighed. Kinuha ko ang susi at handbag matapos akong mag lagay ng make-up. Travon is not here, he's bust with his work of course. Niyaya pa ako ako kanina na agad kong tinanggihan punyeta hindi ko alam kung nag bibiro siya o ano eh.

Natatakot na ako ngayong sumama sa trabaho niya baka sa susunod hindi lang sa pag hahalikan mauwi---

What the fuck.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse. Pupunta ako ngayon kanila Trin. Kailangan ko ng kausap pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag sinarili ko ang bagay na ito.

I drove as fast as I can kaya mabilis akong nakarating doon. Tahimik ang bahay nila as usual dahil malamang ay nasa trabaho rin si Tristan. Nag dere-deretso agad ako sa kwarto ni Trinity ng makarating sa bahay.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at tsaka lang ako kumatok. "Trin," I called her.

Naagaw ko ang atensyon niya mula sa harap ng laptop na sa malamang ay nanonood na naman ng k-drama.

Tuluyan na akong pumasok at muling isinara ang pinto. He stopped from watching and closed her laptop.

"Oh, Sol,"

Ipinatong ko ang bag ko sa study table at nag lakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

"Hoy, may problema ba?" Trin asked.

Nakanguso akong hunarap sa kaniya. Matagal pa akong napatutig bago napatango.

"Hala ka, what's the problem?" Nag aalalang tanong niya at lumapit sa akin.

"Gagi, Sol, anong nangyari?" She asked.

Huminga ako ng malalim at napatingla. Para akong binagsakan ng langit, langit lang kasi nasa baba na ang lupa.

Korni.

"Si Travon," I answered shortly.

"H-huh? What do you mean? Nag away ba kayo? sinaktan ka ba niya? What happened?" She asks.

Nakanguso ko siyang nilingon at inilingan.

"Ano ba!" Inis na sabi ko ng hampasin niya ako ng unan.

"Umayos ka kasi, come on spill it," Kunot noong sabi niya at nag crossed arms.

Napangiwi ako. Paano ko sisimulan? Saan ako mag sisimula?

"Trin,"

"Ano nga?"

"IthinkI'mfallingforTravon," Mabilis kong sabi at nag iwas ng tingin.

"OMYGOSH!" Sabi na maiintindihan niya iyon agad eh. Nakatakip pa ang kamay niya sa bibig ng tignan ko siya pero maya-maya ay pumalakpak kaya kumunot ang noo ko.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon