Chapter 28

119 4 0
                                    

Chapter 28

WARNING: SPG Read at your own risk.

Pakiramdam ko hindi naayon ang lahat sa plano ko. Nag punta ako sa Boracay para dumistansya sa lahat pero anong nangyari? Huminga ako ng malalim ngayon ay handa na akong mag panggap na parang wala lang sa akin ang lahat.

Hindi ko rin alam kung sadya ba o ano pero sa harapan pa talaga ni Travis ang natirang pwesto kaya magkaharap kami.

Nag simula na ring kumain nang dumating ang mga pagkain. Kahit wala pa akong kain at medyo pagod pa hindi naman ako makaramdam ng gutom kaya pero nag sandok pa rin ako ng unting pagkain sa plato. Nag uusap sila tungkol kung saan saan, hindi ko maintindihan, naririnig ko nga rin ang boses ni Travis pati ang boses ng babaeng kasama niya. Ang nasa isip ko lang naman kasi ngayon, sana pala hindi na rin muna ako bumaba. Sana sumabay na lang din ako kanila ate?

"Solana?" Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang tawag ni Tita.

"Yes po? Sorry, may iniisip lang." I smiled.

"No problem hija. I'm just asking how's life in Canada?" Nakangiting tanonong ni Tita.

"Oh that. Maayos naman po. I'm managing my gradmother business there." Sagot ko.

"That's nice nabalitaan ko nga na marami ka ring oppurtunity na natatanggap. You're a very nice CEO, hija."

Parang may yumapos sa puso ko dahil sa sinabi ni Tita. I smiled sweetly and thanked her. Iba pa rin pala talaga kapag nakakarinig ka mg ganong compliment.

"Since you guys mentioned Canada. Gusto ko tuloy bumalik doon. God I miss Canada." Biglang salita ng babaeng kasama ni Travis. Nawala ang ngiti ko at simpleng napa-irap.

Sige balik teh, gusto mo ngayon na, eh. Ako pa sasagot flight mo. I sakd in the back of my mind. Nang mawala na ang tipic sa akin doon lang ako nakahinga ng maluwag. Simple kong tinignan ang babaeng kasama ni Travis.

Petite at mukhang koreana. Ganito na pala type niya ngayon? Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon para matitigan si Travis dahil nung una kaming nag kita ay malabo ang paningin ko dahil sa kalasingan. Malaki na rin talaga ang pinag bago niya, unang tingin, alam ko na siya si Travis. He looks so manly and handsome. I rolled my eyes secretly dahil ng muli kong sinasaulo ang parte ng kaniyang mukha ay nakatingin pala siya sa akin. He even smiled a bit.

Kapal ng mukhang ngiti-ngitian ako?

Sobrang laki ng pasasalamat ko sa diyos ng sa wakas ay natapos na rin kaming kumain. Nag dahilan ako na may tumatawag at kailangan kong sagutin para tuluyan na akong makalabas ng resto.

Ang pag kakatanda ko ay may club sa 'di kalayuan kaya doon ako dumeretso kaysa bumalik sa kwarto namin. Feeling ko hindi na tulog ang kailangan ko, alak na.

One of the bouncer assist me hanggang makarating sa counter.

"One glass of tequila." Bungad ko sa bartender ng makaupo sa harapan niya. Ibinigay niya naman ang hinihingi ko.

"Give me vodka." Sabi ko matapos malagok ang laman ng shot glass. Malakas ko iyong ipinatong sa harapan ng bartender, sumesenyas sa lagyan niyang muli ang shot glass ko.

I smiled when he poured vodka on it.

Iba ibang alak ang hinihingi ko kada lapag ng shot glass. Na-miss ko rin ang alak. Hindi ako maka-inom ng ganito noon sa Canada dahil puro ako trabaho.

"Pwede bang ibigay mo 'yong pinaka matapang na alak?" I asked the bartender.

Ramdam ko na ang init ng pisgi at pag ikot ng paningin pero ayoko pang bumalik sa hotel. I'm enjoying my time here. Naka-patong na ang ulo ko sa counter habang hawak pa rin sa isang kamay ang shot glass, waiting for the bartender to pour what I requested.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon