Simula

22 0 0
                                    

#BehindHisCurtainSimula

If you'd ask all my past girlfriends about what are the things they hate about me when we're still on, isa lang ang sasagutin nila: hindi ako sumasama sa mga pictures. At first, it was fine but as I change girls every time the last one fails, nabibintangan na akong may kabit at ayokong magpakuha ng picture kasama sila dahil ayaw kong mabuking. Hell, I was born by excellent parents, lalo ng Papa ko at lagi niya akong binabalaan na maging faithful sa mga relasyon na pinapasukan ko.

Mahirap ba na intindihin na hindi lang para sa akin na mapasama sa isang picture? Is it wrong to hate the camera's flashing right in front of my face? It's not because I'm being unfaitful (hell, sila ang nagloloko, hindi ako) but because I just simply don't like it.

People say that capturing moments with the use of modern technology helps to retain the memories and lets everyone have a piece of it always with them. You took a picture of a famous castle or statue from a country you visited? Good. Kasi pag-uwi mo ay mayroon kang litrato na patunay na nakapunta at nasaksihan ang pinuntahan.

Want to record an animal crossing the field or a farm you visited owned by someone you know? Great. The animal you just recorded is already sleeping at night when you're going back through it on your laptop.

Mahilig na ang pamilyang nakalakihan ko na magpicture: sa birthday, sa kasal, sa simpleng pagpunta sa mall, sa bakasyon na ginanap sa ibang lugar, sa ilog, lahat na. But one thing also remains the same: I'm not in it because I'm the one taking it.

Walang kaso o problema sa akin iyon dahil ayokong sumama. No, it's not that I hate them but it's already enough I was with them to still prove it through a developed picture. Ilang beses na akong napapagalitan ng magulang pero wala lang sa akin iyon dahil tama at normal lang naman ang rason ko.

Kakababa ko lang ng mga nakabasket na gulay galing Baguio nang lapitan ako ng isang kasamahan. "Tawag ka ni boss." Aniya.

"Para saan?"

"Aba ewan. Tapos ka na ba? Mukhang importante."

Napatango na lang ako at pinunasan ang puno ng pawis na noo sa nakasabit na panyo sa balikat. "Ikaw na maglapit nito sa mga tindahan, kaunti na lang."

Tinanguan niya ako at hindi ako dumeretso ng lakad, kung saan nandoon ang maliit na barracks kung saan mayroon ang boss, at bumili muna ng maiinom.

"Hindi ka ba naghahanap ng ibang trabaho?" anang manong na nagtitinda ng buko juice sa tabi.

Sumandal ako sa poste at pinikit saglit ang mata dahil sa araw. Tirik ang araw ngayong oras at sa tapat ko ang pamilihan ng bayan namin. Dito sa kinatatayuan ko ay tawid lang ng puwesto kanina.

"Naghahanap po."

"Oh eh bakit kargador ka uli? May kaya naman pamilya mo, hijo. Bakit hindi ka pumaroon?"

Tumawa ako. "Saan n'yo po nakuha 'yung chismis na mayaman kami?"

"Bakit, hindi ba?" gulat nitong tugon.

"Nakapagtapos kami ng ilan kong kapatid sa paraang ginagawa n'yo, 'tay. Nagbabanat ng buto kung saan-saan magulang namin. Malayo pa kami sa pagiging mayaman."

Awang ang labi nito sa akin. "Pero iyon nga, nabanggit mo na nakatapos ka. May diploma ka at saan ka ba nakatapos?"

"RST, 'tay." Bulong ko.

"Kita mo! Sa isang tanyag na unibersidad ka pa nagtapos tapos nandito ka sa palengke, sa ilalim ng araw, at nagbubuhat ng gulay? Sa ganda mong binata, dapat nasa opisina ka!"

"Kung ganiyan lang kadali na makapasok sa mga kumpanya, 'tay, wala ka sanang kausap ngayon." Ngiwi ko at tapon ng baso. "Sige, salamat po at marami pang trabaho."

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now