Kabanata 13

4 0 0
                                    

"Bakit natulala ka riyan at pinagpawisan? Natakot ka ba na baka anong sabihin ko rito?" sabay halakhak na parang mawawalan na ng hininga.

I don't want to admit the loosening of the knot in my stomach yet. Kumurap-kurap muna ako dahil baka nag-iilusyon lang ako dahil gusto ko dapat tanggap nila kami lahat. But it's not. I'm not perceiving this as a dream... It's real... He seems happy with it... Mas lalo niyang tinitigan ang picture namin na may ngiti na sa labi.

"Akala ko magkapatid kayo pero hindi naman ganito tingnan ng kapatid ang kapatid niya! Been there done that, may mga anak ako na kala mo wrestling ang buhay kasama ang ibang kapatid, at kahit isa, they are not looking at their brothers the way this man did to you."

"P-po?"

Binalik nito sa akin ang litrato at pumangalumbaba sa harapan ko. May itsura pa rin si Kuya kahit na medyo hindi na smooth ang balat sa mukha. Mayroon na ring iilan na takas na puting buhok sa gilid niya pero maayos pa rin siya pumorma. I wonder if I'll be the same after ten years or what...

"Gusto mo ba ng kausap? Kahit saglit?"

Sa dinami-rami ng taong puwede kong asahan na makaalam kaagad ng ganito, wala siya roon. Bumaba ang tingin ko sa ginagawa at napasinghap. "This is bad." tangi kong sabi.

"To love is never a bad thing. To deny your love is the bad thing."

Napailing lang ako. "Nag-away kaming dalawa noong birthday ko dahil hindi kami magkasundo sa anong gagawin namin pareho kapag... kapag nalaman na ng iba kung anong mayroon kami."

"Bakit?"

"Hindi ko na tanda..." I lied. I can still remember it like it's the back of my hand. "Pero sinasabi ko na kung malaman man nila, hindi ko gagawin ang kinatatakutan niya na iiwan ko siya. I mean, baka ganoon lang siya mag-react dahil sa lahat ng naging girlfriends ko, walang lalaki roon. Dahil una siya. Ilang beses kong sinabi na wala akong pakialam... na talikuran man kami, haharapin ko siya."

"So... pinipilit niya na baka magbago ang isip mo sa susunod na panahon?"

Malungkot akong tumango. May dumaloy na luha sa pisngi at mabuti na lang ay may panyo akong dala. "Tapos pinigilan ko siyang umalis kasi... kasi baka siya na mismo ang magbago ang isip. Kuya, I tried. I tried persuading him na it's fine. Wala sa akin kung may mawala pa, matagal nang may nawala sa akin pa, pipiliin ko na ang sarili ko."

"No offense, pero iniisip siguro niya na selfish ka sa mga sinabi mo."

"Saan banda selfish doon, kuya? Kilala niya ako. He knows me better than my family! Alam niya na marami na akong napatunayan, naisilid na pansariling kagustuhan at unahin ang pamilya kaya bakit parang mali pa rin na piliin ko kung saan ko gusto mag-stay?"

Nabalot ng katahimikan ang buong kuwarto. Yuko lamang ang ulo ko at iniisip kung anong ginagawa niya ngayon. Sembreak na sa RST at sana pati sa trabaho may sembreak para mapuntahan ko siya. But I can't. I don't know where to find him.

"Sa totoo lang, Henry, hindi ko alam kung ano dapat ang i-advise ko sa'yo kasi... hindi ko naranasan ang nararanasan mo ngayon." aniya.

"I know. You're straight. Hindi na ako straight."

Napatawa ko siya. "Straight? Hindi mo na iniisip na straight ka?"

"Why do I still have to? I like someone the same sex of ours! Lalaki na ang gusto ko kaya dapat... g-gay na ang tawag ko sa sarili k-ko?" piyok kong paliwanag. "Isa pa 'yan... Hindi ko alam kung may itatawag pa ba ako sa sarili ko..."

"Bakit kailangan mong problemahin kung anong label ng kasarian mo kung gusto mo lang magmahal, Henry? Siya ba magdidikta kung gaano mo siya mamahalin at kung hindi mo siya pipiliin sa pang araw-araw? Hindi naman 'di ba?"

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now