Kabanata 10

5 0 0
                                    

@abcdef_everyone
Hanap ka sa google ano maganda pero ano bang mas maganda na gift bukod sa birthday sex?! *Laughs*

@Esper.455
Mukhang importante sa'yo 'tong tao na 'to, ha? Akala namin for roleplay lang!

@youweremylight
Birthday sex! Birthday sex! Birthday sex!

Kanina pa ako nakahilig sa malamig na pader ng isa sa mga banyo ng building at kanina pa rin ako patagong humahalakhak. Seriously these people... But I was not expecting any of these replies under Dustin's new video!

You see, I still haven't forgotten about this. Lalo na in light of recent events? Though it happened almost a month ago, it's still there. Paano ko makakalimutan iyon when one of the clippings I removed from his chest is seen from his past videos again? This time, mukhang harmless naman iyon kaya hinayaan ko na.

Anyway, I was just thinking about his account and I thought he stopped. Dahil magkasama na kami lagi after niyang madischarge sa hospital. But it's foolish of me to think that since hindi naman kami magkasama tuwing gabi, lalo na sa kuwarto niya.

It's weird. It's weird to have this information. It's... furtive to know that the person you love is doing this kind of thing. We're both a little religious but... kahit saan banda ko tingnan, I'm not mad. As long as it doesn't harm him. As long as any replies under these videos that tells him to have sex partner (dahil boring na raw solo videos niya) doesn't affect him that much, I'll let it get away.

I shut off my phone, with the thought of his recent video asking his followers what could be a perfect gift for a guy. Alam na kasi niya na malapit na ang birthday ko at hindi ko naman binanggit na he's obligated to give something but... Oh, baby, I'm really drowning in you...

Bumalik na ako sa trabaho at sinantabi ang napanood. Now, I'm still planning what to do. Marami na, actually, but I just can't seem to make up my mind. Throw a big party, is one of my options. Kasi why not? Bilang na lang sa mga generation ko ang nakaka-abot ng age na benter-nueve! I should celebrate it! But the problem is, wala kaming kasing-lawak na bakuran kagaya ng kina Dustin kaya hindi ko alam kung saan gaganapin.

Ang kapal naman ng mukha ko if I asked them if I can hold it there. Kaya abort mission.

Sinubukan ko na rin kausapin ang iilang mga kaibigan at lahat sila ay inuman sa bar ang suggestion. I mean, it's not kinda bad. It's mediocre for people my age to celebrate it; may mga kaklase ako noong college na minsan sa bar nagbibirthday and I'm one of the guests so I know the feeling. But a problem is arising again: I want to celebrate with my family. At alam ko na hindi papayag iyon na nasa bar ang mga pagkain.

"Pero puwede mo naman sila ilabas sa umaga tapos kapag gabi na, kami na kasama mo! You know, papayagan ka naman dahil 29 ka na! At pera mo naman kaya dapat walang pumigil sa'yo!" sagot ng isa sa mga kaibigan.

It's a good idea but I'm still looking through it. Baka may mas iba pang magandang choice. "Pero dalian mo mag-isip kasi reservation ang nangyayari diyan!"

"Paano mo nalaman mga ganitong bagay?"

"Ah, hindi pala ikaw kasama ko noong minsan nagtrabaho ako sa bar, eh!" tawa nito. "Papa-reserve mo ang buong place kung marami kayo at dapat maaga kasi baka iyong date na gusto mo e makuha ng iba!"

"Fine. Mukhang wala naman na akong ibang choice."

Marami akong tatawagan na mga dating kaibigan, kaklase, kapuwa ka-RST na pumunta at ang iilan nga ay nagmemessage na sa akin na may ganap ba sa birthday ko. Tawa lang muna ang sagot ko sa kanila.

"Bar party?" usisa ni Dustin sa akin. Natapos na ang araw at kanina pa ako nakatitig sa loob ng university.

"Why? Hindi ba magandang idea?"

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now