Kabanata 26

5 0 0
                                    

We cut every tie we had after that night.

Pareho naming ayaw but we have our own battles to win first before we could be together. So I had no choice... I should go back to the life I had before I pestered him that one starry night. Perp alam ko... alam namin na... imposible nang bumalik kami sa rati.

Ilang buwan ko in-imagine ang magiging buhay ko kasama siya so how does anyone expect me to visualize my life again when the person who should be in it is now gone? I mean... he's still there... nasa tabi pa rin siya ng bahay namin nakatira but...

Halos dalawang dekada ko siyang hindi kilala, bakit hirap na hirap akong lumisan sa tapos na? Nakaya ko naman noon... Nakaya kong hindi siya isipin pero...

"Nandito na tayo, ser."

Nawala na sa isip ko na nasa daan pala kami at hindi na naproseso sa utak ko lahat nang nadaraanan namin sa lalim ng iniisip. I fished out some money for the fare and immediately went out.

Kaysa noong graduation nina Heil ay hindi maalinsangan ngayon. It's chilly. All because the sun is hiding behind those thick and gray skies. Mas preferable na mag-stay sa labas—at kitang-kita ko na mula sa gate pa lang lahat ng parents at graduates na naghihintay sa main event.

I was once like them. Minsan ko rin sinuot ang kulay itim-berde na toga nila ngayon. I was once with my family and friends like these people na linalampasan ako at pumapasok sa loob. It's been years...

Siguro kung alam ko lang na sobrang hirap pala ng buhay pagkalabas mo ng pag-aaral... hindi ko na sinuot ang toga ko. But we have to—I have to. Dahil ako ang panganay. Dahil kailangan at pinaglaban ko makapagtapos.

Sa totoo lang, hindi ako pupunta dahil... wala naman akong dahilan. But one of the companies at that job hunting event asked for another authentication letter from RST again. Hindi ko mahindian dahil... Oh, God. How do I even explain this?

Dalawang kumpanya lang ang sinubukan ko. But a construction agency called me to inform me that the other company referred me to dahil mas bagay ang credentials ko sa hinahanap nila. They are offering a job at... Singapore at ang susunod na batch ay sa any time ng Ber months ang alis.

Of course, I was ecstatic and, at the same, dazed about the news. Ilang beses ko pa silang tinanong kung legit ba o hindi... They're real, they said! Totoo, siyempre! Nakita ko sila noong araw na iyon, eh!

Now, what I have to do is try and have that letter again. Pero nasisiguro ko na wala dahil may event ngayong araw kaya walang tao sa Registrar office ng department namin. So bakit pa ako nandito?

"Kanina pa sila umalis, baka nandiyan na sila, anak." pagbasa ko uli sa text ni Papa sa akin.

Siya lang ang may alam na pupunta ako ngayon. Wala namang paki ang dalawa at tinago ko talaga sa mga kapatid dahil mukhang alam na nila na may namagitan sa amin ng Kuya Dustin nila. I'm not scared... but it's just weird. Parang ganitong pakiramdam ang nakukuha ko sa mga taong natuwa sa amin noon, after namin sabihin na kamimg dalawa.

Papasok ba ako? Hindi naman ako ga-graduate... Wala naman akong papanoorin o kahit guardian ng isang mga naka toga... May security sa gate pero tiga-rito naman ako rati...

How many times I stepped forward but walked away again, I don't even count. Pero halos magsi-alisan na ang mga tao para dumeretso sa hall ay wala pa rin akong pasya.

Course nina Dustin ang gragraduate ngayon. Pero naririnig ko na may isa pa silang kasama. I don't know which course since wala sa invitation sa akin but...

"Hindi siya ang pinunta mo rito," I said to myself. "Pumunta ka na sa loob."

And I did. Wala akong ideya paano ako nakapuslit sa mga guards but I think they recognized me. Muntikan ko nang sundin ang mga lakad ng mga graduates pero hindi. Sa kabila ako dumaan, the same way I took when I got the same letter because Parkes' is requiring it.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now