Kabanata 14

0 0 0
                                    

"They're summoning me at prison again, Dustin."

Natapos ang sembreak at oras na para sunduin ang mga umuwing pamilya ko mula sa terminal. Pero unlike noong umalis sila na may tricycle akong na-arkilahan, walang may gustong sumundo sa kanila kaya wala akong choice at ako na ang susundo. Yeah, right, wala akong kotse at hindi ko naman inisip na sunduin silang lahat gamit lang ang motor kaya naghanap ako ng puwedeng mahiraman.

I can drive a car, too. Hindi porke motor ang gamit ko ay wala akong alam doon; kapag breadwinner ka, wala kang space para hindi matuto gawin ang ganito at ganiyan. I drove a truck before, okay naman na sigurong experience iyon.

May napakiusapan akong may-ari ng isang jeep pero dahil kasama ko lagi si Dustin at alam niya kung nasaan ang pamilya ko, sumingit siya. He offered to use one of their cars. I know. Nakakaloko mapakinggan at na-offend ako kaunti dahil parang sinasabi ng tadhana na ganitong edad na ako pero wala pa akong kotse.

Damn it.

Wala akong nagawa kundi pumayag na lang. May basbas naman ni Tita, pero kay Tito... hindi na lang namin inisip dalawa. Pumayag lang ako noong nagpasya kami na sa akin na ang gas. Wala rin naman nagawa ang baby ko at hinayaan ako.

Now, patulak na kami pauwi at bugbog sa byahe ang mga nasa likuran. Si Dustin ay nasa tabi ko, tahimik pero kumakanta paminsan-minsan habang nakadungaw sa labas. Gusto sana namin mag-usap ngunit dahil may tulog sa likuran, hindi namin magawa. At saka... baka may makarinig kung gaano kami ka-close...

Mahirap na... Kakaumpisa ko pa lang ligawan siya, ayokong maudlot kaagad.

Dinungaw niya ako at napakunot ang noo. "May natanggap ako na tawag kaninang umaga na okay na raw si... Roger. At gusto ng mga pulis na mag-usap kami para maayos namin kung anong nangyari."

"Ano ba kasi talagang nangyari?" pang-ilan niyang usisa.

Gumagaling na ang mga sugat ko, nabuksan na niya ang mga boxes na ginawa ko, nakauwi na ang pamilya ko lahat lahat pero... hindi ko pa rin naipaliliwanag kay Dustin na siya ang dahilan bakit halos manatili ako sa kulungan nang natagalan.

"Let's not talk it here, baby. They don't know."

Inabot niya ang hita ko at pinisil iyon. "I wish I knew what happened."

Of course, you do. But you don't know that yet. "Kapag natapos na kaming mag-usap, sige, aamin na ako. Sorry kung nagtatago ako."

"Okay lang. Nagtago rin naman ako after noong birthday mo... Which was a... bad thing kasi..."

"You know where this is getting..." tawa ko at hawak sa hita niya. Inirapan niya ako at dumungaw uli sa labas. "Stay like that, picturan kita."

Hindi nga siya gumalaw pero kita ko ang pagkunot ng noo niya. Nagmaneho ako saglit na gamit lang ang kaliwang kamay, my watch is glinting under the blistering sun, and count to three before pressing the camera button.

"Para saan naman?" aniya sabay kuha sa telepono ko. "Ang laki na ng pisngi ko... Mag-gym kaya ako sa Christmas break?"

"What do you mean malaki?" hinawakan ko ang pisngi niya. "No offense, baby, but I think you're body's not changing drastically."

"Pansin ko nga. Noon pa." sabay nguso. Hell. Nasa likuran lang namin ang pamilya. "Come, ako naman kukuha sa'yo!"

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mabilisan niyang reflexes at natapat sa akin kaagad nag camera. Adrenaline rushed so suddenly I hit the brakes a little and covered the lens with my hand. "Dustin, ayaw ko."

"Bakit?" halakhak nito. "Ito naman! Ako nga, puwede, tapos ikaw ay bawal?"

"I'm driving... Wala akong pangbayad kapag may nangyari."

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now