Kabanata 01

8 0 0
                                    

"Wala kang ibang trabaho?"

"Wala po, Ma'am."

She clicks her tongue and leans on the piles of rolled cloths and fabric behind her. Binaba ko ang kararating na velvet cloth at nagpunas muli ng pawis. "Gwapi kang bata. Nag-aaral ka pa ba?"

"Matagal na pong tapos. RST."

"Wow! RST, as in sa RST na university?" tumango ako. "No offense ha, pero sa tinapos mo at saan ka nagtapos, hindi ba dapat nasa mga opisina ka?"

Biglang may kumatok kaya nawalay ang atensyon namin. Pagkatapos kong sabihin sa kaniya kung ilan ang bibilhin, inayos ko ang lalagyan. "Salamat!" sharp kong sabi at pinanood na umalis ang bumili.

Buong akala ko ay magkakausap pa kami ng may-ari ngunit hindi na natuloy dahil sunod-sunod na ang bumibili hanggang magsara na ang palengke. "Henry!"

Napalingon ako sa nagtawag at nakilala ang isa sa mga kasama sa palengke noon. "Yep? Anong sa atin?"

Inakbayan niya ako at sumabay sa paglalakad. "Saan ka ngayon?"

"Doon sa cloth store." tawa ko. "Ikaw? Ayos ng porma, ha. Hulaan ko, nag-apply o nakipag-date?"

Inirapan niya ako. "Gago. Apply!"

"Saan?"

"Diyan lang sa restaurant malapit. Sana matanggap kahit na mukhang mga graduate ng 4 years ang tatanggapin." Singhal niya.

Hindi na ako nakapagsalita. Bakit sa mga kagaya ko na nakatapos ng apat na taon sa college e ang dali makahanap ng trabaho? Sa akin ay hindi?

"Bakit mo ako tinawag? Inuman mamaya?" tawa ko. "Pass muna. May i-a-angkat kami para bukas."

"Siyempre, hindi!" aniya. "May liga sa mall ngayong sabado. Sama ka?"

"Liga? Ilahan daw?"

"Tatluhan. 3x3 basketball tournament! Kulang pa ng isa iyong isang team na alam namin na sasali. Gusto mo?"

"Baka may pasok ako."

"Mga bandang hapon naman! Sige na! Sayang din ang prize!"

Gustuhin ko man na ilahad ang pagtataka kung bakit sa mall gaganapin ang laro ngunit nang malaman ko ang premyo, napaisip ako lalo. "Bakit hindi makasagot? Ang Henry na alam namin noon, sige lang, ha?"

"Baliw." iling ko at nakalabas na kami sa palengke at nasa highway na.

"May girlfriend ka ba uli? Kailangan magpaalam?"

"Pass muna riyan, boss." tawa ko. "Subukan ko. Gamit mo pa rin ba dati mong number?"

Inalok nito ang cellphone kaya tinipa ko ang sariling numero. Hindi rin siya nagtagal dahil sasakay pa siya ng jeep habang ako ay konting lakad para bumili ng ulam bago magtricycle.

"May handaan ata sa simbahan ngayong linggo?" ani Mama habang nag-aayos ng lamesa.

Katatapos lamang namin kumain at kami ng nanay ang naiwan para mag-ayos ng pinagkainan. Nauna na ang iilang ayaw gumalaw kong kapatid at si Papa na ang bahala sa kanila.

"Po?" sabi ko. "Speaking of simbahan, totoo po ba na nililigawan ng mga," I gestured outside, especially at the big house. "You know. Sina mayor?"

"Kaya nga may handaan sa linggo dahil mukhang nagkakamabutihan ang dalawang pamilya." aniya na may ngiti. "Saan mo narinig 'yan? Parang hindi ko naman nabanggit pa sa inyo iyon, ha?"

"Narinig ko lang po." Sabay ngiwi at nagsimula na mag-urong. "Ah, ma, nalabhan na ba iyong jersey ko?"

"Para saan mo gagamitin?"

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now