Kabanata 16

3 0 0
                                    

“We're here! Ready na ba?!"

Tinulak ko ang pintuan namin at agad tumayo ang mga naka-costume kong mga kapatid sa upuan. Umawang ang labi ni Papa pagkatingala sa akin habang nagwawala naman ang dalawa habang pinapaluhod ako.

"Ang puti ng mukha mo, kuya!" si Heil habang kinokontrol ang pisngi ko pakaliwa o kanan. "Pero maganda! Kuya Dustin, ikaw nag-makeup sa kaniya?"

I heard him chuckle behind and said yes. "Galing! Kahit maputi kesa sa morenong balat ni Kuya, bagay pa rin!"

"He's great, right?" tumango siya. Kinuha ko na ang maliit na bag na kasama ng costume niya at tumayo na.

Meanwhile, Haiden in his minion costume is jumping in front of Dustin. Nagkatinginan kami at nagpalitan ng sincere na ngiti bago niya kausapin ang kapatid ko. Pinauna ko na si Heil sa labas dahil kakausapin ko saglit si Papa.

"Dapat pinag-Batman mo si Haiden kung Joker ka pala!"

Napailing ako.  "Hindi, dapat si Heil ang Joker tutal sila naman lagi magka-away!"

"Iyan ang napili niya, eh. Wala na po tayo magagawa." tumawa kami at tinapik niya ang balikat ko. "Si Mama?"

"Umalis at nakipagkuwentuhan."

"Nakita man lang ba niya na nagbihis ang dalawa?"

"Hindi siguro." nakita niya siguro ang pag-igting ng panga ko. "Hayaan mo na, Henry. Matanda na ang mama mo."

"Iyon nga, papa, eh. She should be thankful for na matanda na siya." mapait kong bitaw at yumuko. "May sinabi ba siya kahit kaunti?"

"Mukhang nagkukunwari na hindi niya alam ang mangyayari."

Nabalot kami ng katahimikan. Hindi naman ako umaasa na nandirito si Mama para sa akin pero para sana sa mga kapatid ko, sana man lang kinonsidera niya kahit kaunti. "Pero bagay sa'yo itsura mo ngayon, anak. Nakuha mo talaga itsura ko noong kabataan ko."

At least, that made my heart light. "Hanggang ngayon naman, pa."

Tinawanan lamang niya ako. Sumulyap ako sa relo na suot at sa labas ng bintana. "Punta na kami. Maaga rin kami uuwi dahil maaga pa tayo bukas."

"Sige. Ingat kayong apat. Dustin, bagay sa'yo suot mo." puri ni Papa nang lingunin niya ito sa likuran ko.

I saw him get flustered and thanked him. Kung Joker ang costume ko, Peter Pan naman si Dustin ngayon. Actually, wala talaga kaming balak na magsuot ng kagaya ng mga bata dahil baka sabihin ng iba na nanlalamang kami pero kwinento sa akin ni Dustin na may sinabi si Heil na may prize rin daw sa guardians ng mga a-attend na mga bata. "If we win, pandagdag n'yo rin."

I swear I shed tears when he mumbled that. Hindi ko alam kung regalo ba ito ng lahat ng sakripisyo ko pero... grateful ako na dumating kami sa ganitong punto.

Pahirapan pa na pasakayin ang dalawa sa kotse dahil gusto nila na sa shotgun sila mauupo. Sinubukan maging mapagkumbaba ni Dustin pero maski sa kaniya ayaw makinig ng dalawa. I almost raise my voice until Papa came in again at sinabing walang mauupo roon kundi si Dustin at sa likuran sila.

Their shoulders are down going at the back of the car. "Huwag kayong makulit. Kapag sinabi na rumito kayo, dito! Kotse 'to ni Kuya Dustin n'yo at hindi sa atin kaya wala tayong karapatan na magdesisyon, okay?"

"Okay lang, tito. I don't mind it anyway." Si Dustin.

"Kailangan nila matuto, hijo. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha ang kagustuhan mo."

I smiled bitterly. Maraming chance na ang dumaan sa akin na puwede kong gawin lahat ng kagustuhan ko sa magiging buhay ko pero tanginang pagkakataon 'yan... napunta ako sa pamilyang ito.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now