Kabanata 11

2 0 0
                                    

"Sino mga inimbita mo?"

"College friends and classmates. Mga nakasama ko sa unang trabaho noon, sa mga sumunod, sa mga nakilala sa mga sandaling trabaho. And I invited some of my closest cousins pero hindi sila natuloy." sagot ko. Mas humigpit ang hawak nito sa akin.

"College classmates..."

"Yep. Kinakabahan ka talaga?" sinubukan kong tumawa para mahawa siya ngumit mas nalamukos ang mukha nito. "Dustin, ihatid na ba kita?"

"A-anong ihahatid?! I just got here!"

"Eh 'di ba... I mean, you look uncomfortable." sumulyap ako sa oras. Malapit na mag alas-siyete. Pwede naman malate kaunti kung iuuwi ko muna siya 'di ba?

"Gusto mo akong umuwi na, ganoon?"

"Not that! It's just that..." suminghap ako at humarap sa kaniya uli. Hindi pa kami nakakapasok sa loob but the ambiance and music is leaking from the door. "Ilang araw ko nang napapansin na ayaw mong lumabas. At pinipilit kita na pumunta k—"

"You're not forcing me."

"Okay, baby. But what I mean is that... masyado siguro kita na-pressure na kahit sinabi ko na kung mag-date na lang tayo bukas, baka iniisip mo magtatampo ako kapag wala ngayon."

"Are you?"

"Hindi. Dahil naiintindihan kita. At ang intindi ko ngayon at natatakot ka makisalamuha. I should've known better, Dustin. Hindi ka ganito bago tayo nagkakilala pero ngayong magkasama na tayo, it looks like I'm forcing you to be around people. Forcing you to get out of your zone."

Wala siyang imik. Unlike my hair that is still pushed back, parang style ng mga Korean ang buhok niya ngayon at nakasuklay patagilid. I can see his face very well and I can't focus how bright he was since... the thought of coming in terrified him.

"May hindi ba ako alam?" pangbasag ko ng tanong. "Magbabase ako sa mga pictures mo noong bata ka: you seem friendly. Pero dahil hindi tayo pwedeng maging bata habangbuhay, you grew up like this, the better man you can be. Pero nag-iba ang timpla mo sa paligid. May nangyari ba? Is there something you wanted to talk about that made you like this you forgot you were once a bubbly kid?"

"Ang dami mong nasabi... gusto ko lang naman malaman kung sino ang mga nasa loob." singhal nito.

Natawa ako kaunti. "E kasi nga... I feel bad I made it look like I coerced you in—"

"Dear God, Henry, it's your birthday, kaya kong makisalamuha dahil birthday mo kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano pa!" he cups my cheeks. "I should be the one asking you that question."

"Bakit ako?"

"Ang sungit ng timpla mo sa lahat ng pictures mo noong bata ka." biro nito. "But you ended up like this. Anong nangyari? From bugnutin to sweet man you are now, what happened?"

"Wow... Galing, ha?" iling ko. "And ilang beses ko nang sinagot 'yan: mukha lang akong galit doon dahil nga kinukuhanan ako ng picture! Pero tanungin pa natin sina mama at papa pag-uwi kung gaano ako kagaya mo noon!"

"Oh..." he forced himself to smile. "Then... okay. Tara na lang sa loob."

"I'll introduce you to them, okay lang ba?" umayos ako ng tayo at hinarap ang pintuan. "Gusto kong makilala ka nang lahat."

"I'm not your girlfriend." he answered.

"Diyan din naman tayo babagsak, Dustin. Let's take it slow." paliwanag ko at malalim na huminga. I don't want to admit that I'm scared about what I'm gonna do.

Anong isasagot ko sa mga tanong nila mamaya kung ano ko si Dustin? I wouldn't say he's my friend, it's ridiculousl. So ano? Ano ba kami? Alam ko na ba ang nararamdaman ko? Kilala ko ba talaga ang sarili ko at hindi ko alam ang sagot na iyon.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now