Kabanata 15

0 0 0
                                    

"Kuya," Heil tugged my shirt. "May Halloween party kami sa katapusan. Puwedeng bili tayo ng costume?"

Sumunod naman hinila ni Haiden ang pantalon ko. Napailing ako dahil maluwang ang suot kong pantalon ngayon at bumaba iyon dahil sa paghila. "Pati ikaw?"

"Opo! Gusto ko maging minion!"

Ngumiwi si Heil sa kapatid namin. "Talaga? Minion talaga? Ang daming cool ma cartoons!"

"Iyon gusto ko, eh!" sigaw nito at sinabihan ko sila na huwag masyadong maingay dahil nasa palengke kaming lahat ngayong hapon. "Bakit ikaw, kuya? Ano bang gusto mo?"

Tumingala sa akin si Heil at matamis na ngumiti. Pumungay din ang mata nito sa akin. "May mabibilhan ba tayo ng costume na Jedi sa Star Wars, kuya?"

"Jedi? 'Yung espada nila umiilaw?" tawa ko.

Humagikgik din si Haiden. Sumimangot naman ang isa. "It's lightsaber, kuya! Uncultured mo naman!"

"Sorry naman! Malay ko ba kung Tom & Jerry ang sikat noong kabataan ko?"

Tumawid na kami at pumasok sa talipapa. Hirap talaga kapag may kasama kang bata na mamamalengke. Lalo na kung hindi lang isa. Papa asked me to buy them burgers dahil naglinis sila ng bahay habang walang pasok tutal weekend ngayon. I want to pay back their efforts, something people don't do to me, by agreeing kaya nandito kami para bumili muna ng gulay at karne.

"Pero, kuya... Puwede ba? Kahit mumurahin lang. Once lang naman."

"Once?" gulat ako dahil si Haiden ang pinakabata sa amin pero naintindihan niya iyon. Grade 6 na si Heil at grade 3 naman si Haiden. "Ang dami pang susunod na Halloween! Once ka diyan!"

"Bakit ka ba kasi nakikialam!" sigaw pabalik ng isa. "Kuya, promise, hindi ako hihingi ng aguinaldo sa pasko basta bili tayo?"

"Tama naman si Haiden..." bulong ko. "Pero bago iyan, bumili muna tayo at pag-usapan na lang natin kapag kakain na tayo, okay?"

Kahit papaano, pumayag sila. Naging maayos ang pagbili namin at nagvolunteer pa sila na buhatin iyon para raw mahawakan ko pa rin silang dalawa. Because of that, dinagdagan ko na ng footlong ang order namin kasama ang dalawang burger.

"Sa'yo, sir?" anang babae sa loob ng burgeran. Kakatapos niya lang lutuin ang footlong at nagsimula na latakan ng mga kapatid ko. "Hindi ka oorder?"

"Okay na ako rito." turo ko sa mahabang box sabay abot ng bayad. "Tatlong tubig na rin."

Tinitigan niya ako nang mataman at tinali muna ang buhok sa ibabaw ng ulo. Kunot-noo ko siyang tiningnan pabalik bago panoorin kung ayos ba ngumuya ang dalawa. Is she flirting with me?

"Libre ko na isang buy one, take one! Gusto mo? Basta sabihin mo lang name mo, sir." malandi nitong sambit.

Biglang natawa si Ha na siyang nakaharap sa akin. Nakaupo kami na pa-vertical at si Haiden ang nakatalikod sa akin dahil siya ang nasa tabi ko. I nonchalantly laughed at her and said it's fine. Bigo ang mukha nito at nakita na umirap pa sa akin.

Mga babae talaga, 'eh no? Daig pa kami sa pag-first move.

"Kuya! Kuha ka, oh!" si Haiden sabay turo sa isa sa limang hati ng footlong. "Tig-dalawa kami kaya sa'yo ang sobra."

"Sus, hindi sapat sa inyo 'yun, eh." biro ko.

"Okay lang, kuya. Galing kang trabaho. Wala na iyong lunch mo sa sikmura mo kaya kuha na."

Nagtaas ako ng kilay. "Habang tumatagal, nagiging kagaya na kita Heil. Ganiyan ba kapag lahi natin? Tumatalino habang lumalaki?"

He just gave me a proud smile. "Paano ako, kuya? Kailan ako magiging matalino?"

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now