Kabanata 18

5 0 0
                                    

"Sino may birthday?"

Nagtago na naman ako sa isa sa mga stock room nang bumulaga si Kuya Rael. I jumped a little but resumed packing the box I have in front of me. "Sa nililigawan ko, kuya."

"Ah... So, kayo pa rin?" pumwesto siya sa likuran ko at may hinanap sa isa sa mga boxes doon.

"Hmmm..." sagot ko at napangiti. "Kuya, do you think he'll like this?"

"Unless sabihin mo sa akin kung anong laman, puwede ko ibigay ang opinion ko."

I told him what's inside at pinilit ko itago ang kilig sa boses. Batid ko na madali lang para kay Dustin bilhin 'tong nabili ko pero... This came from my heart! At saka... minsan lang ako bumibili ng mamahalin na bagay pero okay lang dahil kay Dustin naman mapupunta.

It took him a while to answer. As I glance back, mukhang nagulat siya sa sagot ko. "Ilan regalo mo?"

"Isa lang, kuya." I answered and tilted my head. "Balak ko sana bilhan sarili ko pero..." nginuso ko ang baba. "Maayos pa naman suot ko."

He eyed it nervously and gulped. May mali ba ako sa sinabi? "I-it's good! Ilang taon na siya?"

"Twenty-four." I said and stood up. Nilagay ko iyon sa dala kong paperbag at nilinis ang kalat ko. "Anong hanap mo rito, kuya?"

Umiling lang siya kahit hindi naman nasasagot ng 'hindi' ang tanong ko at binalik sa normal ang mukha. "Kailan ang birthday?"

"Sa 18."

"Oh, malapit na, ah? Saan kayo maghahanda?"

"Wala pa akong idea, kuya. Sa totoo lang... kailan ko lang din nalaman."

"You mean... hindi mo alam kung kailan bitthday ng nililigawan mo?"

I've been thinking about that. Matatapos na ang taon at ako pa lang nakakapag-celebrate kaya bakit hindi ko man lang pinagtaka na walang nababanggit si Dustin kung kailan ang kaniya? That thought kept me awake when I got home from Arson's despedida.

"That's fine..." aniya sabay tapik sa balikat ko. "Isang taon pa lang naman kayo, 'di ba? Hindi ko nga tanda kung kailan birthday ng asawa ko noong unang taon na kinasal kami, eh!"

I chuckled. I still feel bad. Hindi ko na kasi nakakausap na naman si Dustin. At kahit may dahilan na siya bakit wala siya, mas lalo lang akong nalugmok. Maybe my mind's interpreting the silence of his as a disappointment I didn't know when he celebrated his birthday.

"Mukhang hindi ka masaya sa ibibigay mo, ah?"

"Po?"

"Nabasa ko lang sa mukha mo."

"But I'm happy!"

"Sana matutuhan mo Henry na hindi porke kaya ng labi mo na ngumiti ay ganoon din sa mga mata mo," he mumbled and I bit my lip. "Anong problema?"

Tangina. Magbi-birthday lang ang baby ko pero ang dami kong problema. "So... Iniisip mo hindi mo kayang tapatan ang iba niyang makukuha sa araw na iyon?"

"I can't help it... Alam ko, kuya, na marami silang iimbitahin at mayaman sila kaya mayaman din lahat ng puwedeng pumunta!"

"Anong problema roon?"

Suminghap ako. God. "I just want to give him something best."

"Diyan ka nagkakamali, Henry." he smiled, almost assuring me. "Walang bagay na perpekto, bakit kailangan perfect kung walang authenticity?"

"It's not that easy..."

"Pakiramdam ko hindi dahil sa kasalanan ng mga magiging bisita niya ang problema mo, dahil siguro ito sa pagtingin mo sa sarili mo, Henry."

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now