Kabanata 23

2 0 0
                                    

"Saan ka magnew-New Year?"

"Pupunta ata kami sa kabilang bayan. Sa 30 na kami aalis."

"May pasok pa tayo niyan, ah?" ngiti ko at naupo na sa tabi niya. "Half-day ka?"

Darlene grabs the plate pero ako na ang kumuha at umayos noon. Nginitian ko sjya at nilagay sa kabilang table ang tray. Lunch na ngayon at pangalawang araw na namin na magkasama kumain.

Bakit hindi ko napapansin ang klase ng mukha na mayroon siya? Her small face became much smaller because of her short hair and I love the fact she looks like an actress with her fair skin and plumpy red lips.

Not to mention their women's uniform... I bet it's an hourglass figure! Her front is huge, too... Goddamn... Napapaisip ako kung bakit lumiko ako nang landas nitong nakaraang taon.

"Gabi kami aalis para hindi ma-sacrifice ang isang absent, Henry." she started eating but I just kept staring. "Ikaw? Aalis ka rin ba uli?"

"Aalis? Anong ibig mong sabihin?"

"I... I stalked you yesterday and nasa Palawan ka this Christmas!"

Nawala sa mukha ko ang ngiti dahil baka may nakita siya roon pero nang hindi naglaho ang matamis nitong ngiti, humarap ako sa pagkain at napailing. "Oh.. iyon..."

"So? Ano next destination?"

"Wala... Wala akong plano kasi may pupuntahan na dinner celebration ang pamilya ko."

"Hindi ka sasama?"

"Mas gusto ko na lang matulog o maghanda ng salad kaysa sumama."

Tumikhim ako dahil lasang-lasa ko ang pait sa dila. Ang talagang plano namin ay sa bahay lang kami maghahanda pero... pero ang mga Rodriguez ay nag-arrange ng dinner celebration sa New Year's Eve at nabalot ako ng pula sa nalaman na iyon.

She squakes and shook her head. "I'm sorry, Henry, pero hindi kita mai-invite as of now. Medyo full kami na magsasama-sama, eh."

"Oh! Hindi ko naman pinaparamdam na gusto kong sumama." but a little part of me kinda hoped for it. "For sure, mage-enjoy ka roon."

"Henry, ano 'tong ginagawa mo?"

Nanigas ang buong binti ko sa narinig. "Ha?"

"Bigla ka na lang... naging sweet at namansin nitong nakaraang araw..."

"Tapos?"

"Ang weird lang..." aniya habang naiiling. "Bago mag Pasko, para kang may girlfriend sa sobrang ilap pero ngayon..."

"Kung gusto mong malaman may girlfriend ba ako o wala?"

She didn't answer but I grinned. "Magkakaroon lang ako kapag gustuhin mo na ligawan kita."

Nakakuha lang naman ako ng hampas sa balikat dahil doon. But it's fine; sobra siyang kinilig at namula sa sinabi ko na hindi niya masyadong naubos ang pagkain. Malaki ang ngiti namin pareho habang paakyat kami sa floor namin.

"Sa guwapo mong 'yan, wala kang binalak na ligawan dati?"

"Oh, siyempre marami." mayabang kong paliwanag. "But these past few days... Wala siyempre."

Hindi ko na kayang maramdaman ang dating saya tuwing iisipin ko na nililigawan ko si Dustin. Sana kaya ko pang ibalik... Sana hindi ako nakikipag-usap sa taong hindi si Dustin mismo pero...

Mapapagod ka na lang talaga... At ang tagal ko na nanliligaw, bakit ngayon ko lang na-realize na kung dati ay isa o dalawang linggo ko lang kailangan manligaw tapos sasagutin ako kaagad?

"May iba ka bang manliligaw?" tanong ko.

"Nope. I mean, walang nanliligaw ngayon sa akin."

"Bakit kasi ngayon ka lang nag-ganiyan na gupit, Darlene." malambing kong sabi. "Pipilahan ka nang mga kagaya ko kung ganiyan na ang itsura mo noon pa."

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now