Kabanata 28

10 0 0
                                    

"Kayo na lang kumain sa labas, ma, pa..." kumuha ako ng pera sa wallet. "May aasikasuhin ako saglit."

Nagsaya kaagad ang dalawa kong kapatid habang palabas ng simbahan. Siksikan pero makakalabas din kaya walang problema. "Saan ka pupunta?"

"May dadaanan ako sa quarters, papa." sagot ko.

"Bakit hindi ka muna sumabay sa amin?"

"Baka medyo matagalan ako kapag mamaya pa ako pupunta." I lied. Kasasabi ko lang na may aasikasuhin saglit tapos... matatagalan bigla? Thank God they didn't see me throught that.

Hinatid ko muna sila sa labasan at hinintay na makasakay at makaalis bago bumalik sa loob at hanapin ang kotse ni Dustin. I actually have plans today... Magsisimula na talaga ako maglagay ng mga gagamitin ko kapag tapos na ang trabaho. The company will provide some uniforms at hindi ko pa alam kung ilan iyon kaya kailangan ko bumili ng mga bago, kahit casual lang.

To what I'm about to do, para akong magbabakasyon. But no.

I quickly spotted his car parked on the right side. Nakita ko na sila kanina pa but we didn't meet inside. We have no reason to, anyway. Saktong papalabas na siya habang papalapit ako and he's not with his parents.

"Walang schedule today?" tanong ko pagkalapit.

"None." matipid nitong sagot. "You sure you're not busy today? Wala kayong pasok?"

"Bakit ako magkaka-interes na makita studio mo after church if may pasok ako?" I mumbled after leaning my arm on his car roof.

Kapag talaga nakaipon ako sa ibang bansa ay bibili ako ng kotse na mas matangkad sa akin. The night I went inside his car, kulang na kulang ang space para sa legs ko. But I managed it, anyway. "And kailangan ko ng formal pictures so sa'yo na lang ako magpapa-picture!"

That white collared shirt suits him today. He's about to be 25 and I'm about to be 30 in the next few months. We're really getting older... I'm not used to it.

"Saan mo gagamitin?"

"Requirement sa work." sagot ko na lang at pumasok na sa loob. He lingered outside, probably wondering why I have to have my pictures taken.

No way he's gonna figure out I'm gonna work abroad. I mean... wala pa namang ibang nakakaalam sa pamilya ko. And he might interpret it as a prerequisite sa renewal sa work.

Nagsimula na siya magmaneho at lumingon ako sa likuran. Buti nagkakasya lahat ng gamit niya rito. Two huge bags are packed carefully behind us and I can hear the clanking of his other equipment sa trunk. "When did you buy this car?"

"It's not mine."

Kumurba ang kilay ko. "Anong hindi sa'yo?"

"It means may nagmamay-ari na iba at pinahiram lang sa akin." he silently answered.

"So it's Tito's? Or Tita's?"

Umiling ito. "Someone's."

Tinikom ko na ang bibig at kinuyom ang panga. If this is owned by someone? Who would it be? For a second, I surmised it's Hugo's but we both know we know who he is kaya bakit kailangan niya pang itago? So it is from someone I probably don't know.

Nasa main road na kami at dalawang daan ang puwedeng magdidikta kung nasaan nakatayo ang studio niya: either along the malls or sa palengke. And surprisingly, he swerved the car to the marketplace way.

Good choice. Kung sa mga mall siya nagtayo, not really inside, sigurado may iilan siyang competition na nakarenta sa loob mismo ng mga malls. I don't think there's a lot of disadvantages sa palengke... maraming tao naman lagi sa palengke namin.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now