Kabanata 21

11 0 0
                                    

Warning: 18+

I was discharged the next day. Walang naging problema, as they promised, and I spent the whole Monday just taking a rest. At hindi dahil para sa napala ko, it's a rest for my life. I don't know how it'd fit all the sleepless nights I had just to earn a living but after I woke up at eight in the evening, alam kong worth it na natulog ako buong araw.

My arm is not cemented or what, it's just placed inside the sling so I won't have to use or move it involuntarily and accidentally. Pagkatapos kong kumain gamit ang isang kamay (though with a spoon) I was about to check my phone when I smelled myself. Sinubukan kong galawin iyon pero kaunting kirot ay natakot na ako. How am I supposed to take a bath like this? May pasok na ako bukas.

Kung aalisin ko 'tong sling, dederetso ang kamay ko at hindi iyon advisable ng naging doktor ko. But if I take a bath with this on, anong gagamitin ko na sling pagkatapos? It's an impasse until I realize what I can do with the latter one.

Tinawag ko si Papa dahil siya na lang ang gising. I made him remove the sling as I supported my arm to stay in place. Tinago ko ang mga panandaliang kirot habang naghahanap siya ng mahabang damit para gawing sling. But there's none. Nagpunit na  lang kami ng mga lumang damit dahil mababasa lang din iyon.

Ngayon ko lang na-realize na sobrang hirap gawin ang mga bagay na madali lang noon pero iisang kamay na lang. Limited ang galaw mo o kirot ang darating. But I still managed to pull it off. Naghintay si Papa sa labas hanggang mabalik ang tunay na sling.

"Wala ka nang kailangan?" nakangiti nitong tanong.

Iiling na sana ako nang napasulyap ako sa labas. "Nakita n'yo na ba na dumating si Dustin kanina, pa?"

"Hindi... Bakit?"

"Ang tagal na ng bakasyon nila ng tito n'ya... May pasok pa iyon, gumagaw ang thesis."

Kinagat niya ang labi dahil wala siyang maitutulong sa kagustuhan ko. "Pero may nakita akong dumating na puting kotse kaninang hapon. Baka siya na 'yun; wala ka bang number niya?"

Oh, Pa, I even have his private account. "I-text mo na lang, Henry. Mauna na ako, matulog ka na rin."

Natawa ako. "Tulog uli, pa? Buong araw ko na ginawa 'yan."

Tinawanan na lang niya ako hanggang mawala na. Naupo ako sa higaan na may unan sa ilalim ng braso kong napuruhan. I was told to keep it elevated. Hindi ko na matandaan kung para saan.

My hopes were high when I opened it but it quickly fell upon seeing no familiar name. Mismong picture lang namin ang nakita at hindi iyon ang kailangan ko. Hell. Nabanggit sa akin ni Mama na nalaman na ng parents ni Dustin ang nangyari at may prutas pa silang pinadala tapos... hindi pa alam ng anak nila?

Seriously. Why is Hugo keeping him away? At pumapayag sila na mangyari iyon? Hindi ba sila aware na nasa thesis stage na si Dustin at dapat hindi niya sinasawalang bahala iyon sa bakasyon na puwedeng puntahan ni Hugo mag-isa?

Heck. I don't want to badmouth that koreanong hilaw pero kasi naman... ganoon ang nararamdaman ko. Nilalayo niya si Dustin kahit wala namang dahilan. At parang sobrang tagong-tago ang nangyayari na wala siyang update sa akin

Ganoon ba talaga kapag privileged ka na tao at ine-enjoy mo kung saan mo ginagastos lahat ng perang mayroon ka? My heart hurts but I shookt it off.

Nag-text na lang ako kay Dustin ng simpleng 'I miss you' na walang heart o emoji. I don't want to sound immature and angry text him but I know he'll notice the sudden change of how I text him. I wish it was enough for him to know I'm becoming more weary everyday.

I slept with a little heavy heart. Papa was there again to help me get dressed up. Ang problema naman ngayon ay hindi ako makakapag-motor dahil sa kondisyon ko. Kahit labag sa loob ko na magbayad ng mahal sa tricycle (dahil sa traffic) ay wala akong choice.

Behind His Curtain (COMPLETED)Where stories live. Discover now