PROLOGUE

1.4K 32 0
                                    

Prologue

Fatima University.

Magandang unibersidad, malinis, kumpleto ang bawat pasilidad na pupuntahan mo. Library, computer room, laboratory, music room. At iba pa, Magagaling ang mga professor, marami ka'ng matutunan at higit sa lahat ay mataas ang kalidad ng 'yong pag-aaralan.

Ngunit sa kabila ng perpektong campus ay hindi ko akalaing magiging masama ang pag-aaral ko dito, Oo at nakapasok ako sa magandang unibersidad, hindi naman kami mayaman. Sakto lang at nakaka-kain naman ng tatlong beses sa isang araw, tubong nueva ecija at tanging kinabubuhay ng aking pamilya ay ang flower farm na meron kami.

At ang dahilan kung bakit ako nasa manila ay para lamang samahan ang aking lola, naninirahan kami sa isang village. Lumang bahay ang nakatayo doon at hindi maiwan ni lola, pumanaw si lolo noong huling linggo. Kaya napag-pasyahan ni mama na pumarito ako at sa manila na lang ipagpatuloy ang kursong edukasyon.

Iyon ang pangarap ko.

Tahimik sa library habang nag-iisip ako ng pweding basahin, unang araw ng klase at wala akong matambayan kundi ang library. Hindi ko gustong maglibot kung saan, hindi naman ako kagandahan at mahiyain ako kung makipag-usap, hindi rin naman ako masama. Kakausapin ko naman ang isang tao kung sakaling may itatanong sila sa akin.

Inabot ko ang physical science book, isa sa gusto ko'ng basahin ngayon habang naghihintay ng oras. Ngunit umusog ang libro dahilan upang matamaan ang ilang librong nasa likuran, nahulog ang mga iyon sa hindi inaasahang taong naroon.

Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya, kinabahan ako at napalunok. Hindi ko naman sinasadya.

"F*ck!" muli siyang nagmura, kita ko ang katawan niya sa bawat siwang ng kahoy habang naninigas ako sa kinatatayuan.

Iritable, galit at hindi mawala ang pagmumura sa kanyang bibig.

"Sino yan?!" nataranta ako, ngunit hindi ako makagalaw o ni makagawa ng kilos.

Nagtama ang mata namin sa isang siwang, napalunok ako ng makita ang itim niyang mata. Nanlilisik ito sa akin na nagbigay kaba sa aking dibdib, ang kilay niyang perpekto ay sobra ang pagkaka-kunot. Ngunit hindi ko maiwasang purihin siya kahit na masama ang tingin nito sa' kin.

Ang gwapo.

"YOU!" napapikit ako sa sigaw niya, mabilis siyang umikot dahilan upang tumakbo ako palabas ng library.

Nakakatakot siya.

Hindi ko naman sinadyang mahulog ang mga librong 'yon!

"COMEBACK HERE!"

Lalong bumilis ang takbo ko habang hawak ang librong nakuha na hindi ko alam kung ano, nakalimutan ko pa ang gamit sa library ngunit wala akong balak magpahuli sa lalakeng ito. Siguro magtatago na lang ako, hindi naman na magku-krus ang landas namin bukas di 'ba?

Wag naman sana.

"I WILL KILL YOU!" nanginginig ako sa sinabi niya, patuloy ako sa pagtakbo habang habol niya ako. Ang sama naman niya, papatayin niya talaga ako?

Lumiko ako sa isang hallway kung saan nadaanan ko ang ilang studyante, wala akong pakialam kung nabangga ko ang ilan, ang importante ay matakasan ko ang gwapong papatayin ako.

"STOP THERE!" nilingon ko ito habang tumatakbo, hindi ko akalaing ganon kabilis ang takbo niya upang makasunod sa 'kin. Natural na makakasunod iyan, ang haba kaya ng binti.

Hindi ako huminto, pinagtitinginan kami ng studyante hangga sa marating ko ang field. Ang init at halos matabunan na ang mukha ko sa' king buhok, ang salamin ko'ng suot ay lumalabo na dahil sa pawis na lumalabas sa noo.

Ngunit hindi sinasadyang may masagi ako, nadapa ako at natapon ang librong hawak.

Maging ang salamin ko'ng suot ay tumilapon sa lupa, wala akong choice kundi gumapang at kunin ang aking salamin.

Pero bigo akong kunin ang salamin.

May sapatos na huminto sa 'king harapan na kung titingnan ay ang kintab, mahaba ang binti at walang ni anong gusot ang suot niyang slacks. Maging ang puting uniform ay diretso at walang lukot.

Wala akong masabi kundi perpekto siya pagdating sa kasuotan, ngunit natigilan ako ng matungtong ko ang kanyang mukha.

Naaaninag iyon ng sikat sa araw kaya halos masilaw ako, kunot na naman ang noo niya, masama ang tingin na parang papatayin na nga ako.

"Huli ka.."

I swallowed hard when he smirked at me. Not a simply smirk, but a deadly one.

*****

ACCIDENTALLY, WE FALL
ADONIS SERIES III
ALL RIGHTS RESERVED 2022

Don't expect too much from the story because the author is not very heroic, sorry for the errors and grammatical .

This story is just a fiction, if there is a name that resembles or a place, the event is just an incident, all the events told in the story are only from the mind of the writer.

If you don't like the story, you are free to switch to another story.

The writer's attitude is bad sometimes, she is also spoiled on facebook and you should join her group if you support it.

The story is suitable for ages 18 and up, there are violent words here and retad often, if you continue to support, please refrain from voting and feedback on each chapter.

Thankyou,

hope you enjoy the story even though my update is a bit slow.

Follow me on facebook: ZAZALAB WP

Date Started: June 2022
Date Finished: October 2022

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin