Pagka-Ilang

276 18 0
                                    

Chapter 27

Winter Pov.

Naglalakasang tunog ng mga kotse ang nagbibigay ingay sa maalwalas na paligid kung saan idaraos ang unang laban ngayong gabi.

Maraming mga kabataang nadalo at nais mapanood ang nasabing patimpalak.

Napag-alaman kong nasa limang taon na itong car race na ito. Itinayo ito ng mga grupong gangster noon ngunit naipasa sa ibang grupo dahil na rin hindi naging patok sa mga kabataan.

Ngunit nitong mga nakaraang taon ay naging mas mabenta ito sa mga kalalakihan, nabibilang na roon si ashong na ngayon ay sinusuri ng mabuti ang kanyang kotse.

Kunot ang kanyang noo habang sinisipat ang gulong, matapos iyon ay umikot siya at sa isang gulong muling tumungo.

Napalunok ako bigla sa sitwasyong ito, nakaupo ako sa mahabang upuang bakal na umaabot ng limang baitang. Nasa ikalawa ako habang katabi ang ilang kababaihan.

Napaka-ingay nila, kung ano-anong pangalan ang kanilang isinisigaw na animoy todo suporta sila.

Karamihan ay naririnig ko ang pangalan ni ashong.

”Go, philip! I love you!”

”Ang gwapo mo, philip!”

”Sinong bet ni philip ngayon?”

”Wala akong balita e, pero i want to be with him sana. Ngayon na lang siya nadalaw uli rito..”

Nilingon ko ang mga limang kababaihan, sa kasuotan pa lang nila ay mababastos muna ang mga ito.

Napaka-ikli ng kanilang shorts na halos humahapit sa kanilang hita, ang dalawa ay maiksing dress ang suot na halos iluwa na ang dalawang dibdib.

”Ang pogi talaga ni philip!”

Napailing ako sa kaharutan ng mga babaeng ito, Matapos iyon ay nilingon ko ang pwesto ni ashong na ngayon ay may mga bagay siyang isinusuot sa ulo niya.

Nasa limang kotse ngayon ang maglalaban, at sa kaisipang damay ako sa pagkatalo ni ashong ay hindi ko magawang maging kampante. Dahil sa kalokohan niya ay eto ako at napapadasal ng wala sa oras na manalo siya.

Lintek talaga ang lalakeng 'to. Ang dami na niyang ginawang perwisyo ngayong araw.

Hangga kailan ba ang kamalasan ko?

”Ayan na siya!”

”Oh, my god philip is coming here!”

”Teka, sinong pupuntahan niya dito!”

Napapakamot ako sa sintido bago ilihis ang tingin sa ibang bagay, napaka-ingay nila at nagsisimula na akong mainis.

Bakit hindi na lang sila maghintay at manahimik.

Hi, philip..”

Nilingon ko ang pwesto nila, dumaan roon si ashong ngunit ni isang ngiti ay wala siyang isinukli. Tumaas ang kilay ko sa inakto niya, himala ito. Kadalasan kasi ay siya ang nauunang nagpapansin sa mga kababaihan.

Napupuna ko iyon sa fatima, agaw atensyon naman kasi ito kayat hindi maiwasan ng ilang kababaihan na isigaw ang pangalan niya.

Ang tangkad niya, maayos siyang manamit. Pormado at ang kinis. Matangos ang ilong, mapula ang labi at may magagandang mata. At ang ngisi niya ngayon sa akin ang nagpapanatili sa mata ko roon sa labi niyang perpekto.

”Kumportable ka ba rito?” he asked me but his smirked didn't fade, anong nakakangisi sa lagay ko? Upakan ko kaya siya.

”Malapit na akong mabingi sa totoo lang..” i was telling the girls who still whispering now.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now