Nosebleed

297 16 0
                                    

Chapter 3

Ashton Philip Falcon Pov.

Maingay ang musika na nagmumula sa aking cellphone, Isa iyong rock song na siyang paborito ko. Hilig at laging nasa playlist na gamit ko'ng cellphone.

Magalaw ang aking ulo, sinayaw ang indayo habang inaayos ang aking polo sa harapan ng salamin. Matapos iyon ay handa na akong ngumiti habang itinatagilid ang aking ulo.

”Ang gwapo..” i was scanning my whole body when the music gone, isang pop ng message ang umusbong sa sreen ng lingunin ko iyon.

I grab the phone ang check trixie message.

'Sumakay na ako ng taxi, h'wag mo na akong sunduin..’

Agad rumihistro ang lukot sa'king mukha. Sayang ang pabango, sayang ang tindig na maganda. Hindi ko rin lang naman siya makikita.

Tsk.

'Do you want to eat before you go in your class?'

That's the reply i sent, bago ako tumayo ay mabilis akong nakatanggap ng message mula sa kanya.

'Oh, sorry. Maaga ang klase ko, mamaya na lang?'

'Okay, breaktime?'

Hindi ako nakatanggap ng reply agad, maybe she's busy now. Siguro ay papasok na siya ng fatima.

I sighed before i shoot the phone on my bag, muli akong tumingin sa salamin at nginitian ang sarili.

"Di bale, gwapo ka pa naman..” naiiling ako bago kunin ang bag, masaya ako ng bumaba sa mahabang hagdan ng salubungin ni yaya corazon.

”Nakahanda na ang 'yong pagkain..” tumango ako, malaki ang ngiti ko sa kanya dahilan upang magsalubong ang kilay nito.

”Ang gwapo ko ho di 'ba?” yaya corazon smiled at me.

”Oo naman, h'wag ka lang madalas ngumiti ng walang dahilan..”

”I have a reason to smiled everyday, yaya. Ang gwapo ko, thankful ako doon..”

”O'sya sige na at lalamig na ang 'yong gatas..” napangiwi ako.

”I don't want to drink milk, yaya. Hindi na ako bata..”

”Hindi lang naman bata ang maaaring uminom ng gatas, makakadagdag iyon ng talas sa memorya kung sakaling may leksyon kayo..”

”Hays..” lumakad ako patungong dining, As usuall. I'm alone again, madaling napawi ang ngiti na sana'y nasa akin buong araw.

But how can i smile if my parens is not here, ako na nga lang ang anak nila ay wala pa silang maibigay ni katiting na oras sa'kin.

"Nasa bussiness trip ang daddy mo, nasa museum naman si cynthia at tinatapos ang painting nito..” as always, they having a quality time on they're work. Si mommy na laging kaharap ang paint board at paint brush, nasanay na ako.

”Sabayan niyo na ako, yaya..”

Tumango ito, bukod sa kanya ay may kasama pa kaming dalawang maids na sigurado'y nagtatrabaho na. May guard sa labas at isang hardinero. Halos sila lang palagi ang kasama ko araw-araw at gabi.

TAHIMIK ang agahan ng umagang iyon, sa loob ng twenty years na pamumuhay ko ay mabibilang ko lamang sa aking kamay kung ilang beses kami nagkasabay kumain magpapamilya, kung hindi pasko ay newyear, sa casual na araw naman ay five times a year lang yata.

I trained myself to be alone. Sinanay ang sariling mag-isa at nililibang ang sarili sa barkada. Kundi bar ay car race, kung hindi alak babae. I'm a spoiled son, lahat ay nakukuha ko. Sa edad na kinse ay humahawak na ako ng manubela, natutunan ko'ng mag bar. Makipag-basag ulo pag hindi nakukuha ang gusto.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now