Selos

246 12 3
                                    

Chapter 28

Winter Pov.

Naging marahan ang paglalakad ni calix ng makitang may tao sa sala. Isinira niya ang pinto habang minamataan sila trixie at ashong.

Bakas ang pagtataka rito bago siya lumapit sakin, na kay ashong pa rin ang tingin nito na gaya niya ay nakatingin rin sa kanya.

Kunot ang noo ni ashong na halatang hindi nagustuhan ang pagsulpot ni calix. Hindi maganda ang pagtitig nito ngunit naputol iyon ng batiin ni trixie si calix.

”GoodMorning, calix. Ang aga mo..” lumipat ang tingin ni calix kay trixie, pansin ko ang pilit niyang ngiti bago sagutin ang pinsan ko.

”Gusto ko lang bisitahin si winter”

”Wow, ang sweet mo naman pala.” ngumiti lamang si calix sa sinabi ni trixie. Ngunit ng mapansin niya ang dalang bulaklak ay agad kuminang ang kanyang mata. ”Saan mo nabili ang mga bulaklak na iyan?”

”Diyan lang, sa malapit na shop” namamangha pa rin si trixie sa bulaklak, alam kong paborito niya ito at ayoko ng malaman pa ni ashong kung anong klase ng bulaklak ito.

”Para sa akin ba ito?” kinuha ko iyon bago gumilid kay calix, tinalikuran ko ang pwesto nila ashong habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"Yes, Tulips for you"

Pilit ang ngiting iginawad ko habang pinakikiramdaman ko ang dalawang tao na nasa aking likuran. Ayoko na ng issue mula kay ashong, alam kong isisingit niya ito sa oras na malaman niya ang totoong tulips.

”Gusto mo ba ng maiinom?” tanong ko, nais magmadaling lumisan upang makatakas na sa mga mata ni ashong.

Tumango si calix. ”Sure, coffee”

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na patungong kusina, ayoko ng magpaligoy-ligoy pa dahil gusto ko ng magtago kasama nitong mga tulips.

Nagtataka siya ng bitawan ko ang kanyang kamay, inilapag ko ang bulaklak sa gilid ng lababo habang nananatili ang titig ni calix sa akin.

”Kumusta ka?” nilingon ko ito ng sumandal siya sa sink, nakatitig ito sa akin habang nakatayo ako malapit sa mga baso.

”Ayos lang naman..”

”Hindi ako nakadalaw kahapon, may ginawa ka ba?” kinagat ko ang labi bago tumango.

”May ginawa kami ni deborah..”

Pansin ko ang pag-iiba ng reaksyon nito, hindi ko alam kung bakit nagulat ba siya o sadyang nagtaka lamang muli ito.

”Your classmate?”

”Oo, Nag gardening kami kahapon..” iyon na lamang ang sinabi ko, ngunit ilang oras lang naman ang ginugol ko sa bahay nila deborah.

Buong maghapon kong kasama si ashong.
Kung saan saan pa kami nakapunta at kung ano-anong problema ang nalusutan namin dahil lamang sa kalok*han niya.

”So, you visit her?”

”Sinundo niya ako kahapon rito..”

Tumango-tango siya, nag-iwas na ito ng tingin bago ibahin ang usapan.

Alas siete kita susunduin mamaya, naka-ready na ba ang susuotin mo?”

Bigla kong naisip ang opening event ng bar nila, muntik ko ng makalimutan kung hindi niya lamang pinaalala.

Nameke ako ng ngiti bago mailing. ”Wala pa, pero. Baka magsusuot na lamang ako ng pormal..”

”No, Ibinili na kita. Meron na..”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now