Letter

228 17 0
                                    

Chapter 6

Winter Pov.

Patapos ang buwan ng july ngayong araw, ang bilis ng panahon pero tila'y walang pagbabago pa rin ang pakikitungo ng lahat sa'kin. Tatahakin na ng augusto bukas ang araw ngunit heto't ako ay wala pang pormal na uniporme. Naki-usap ako sa ilang professor na sana'y bigyan pa ako hangga sa katapusan ng augusto, baka doon pa ako magkapera at hindi ko rin naman nais mang-hiram kay tita raquel, ayaw iyon ni papa.

”Si trixie unipormado na, ikaw wala pa ba?” inaayos ko ang aking salamin na nabili ko lamang malapit doon sa bagong bukas na store, isang araw ay hindi ko nasuot ang luma ko'ng salamin dahil bumigay na at nasira.

”Hindi po libre ang uniform sa fatima, lola..” tumango tango si lola, mahal ang uniform. Ngunit balak ko lang kumuha ng dalawa at iyon ang pagsasalitan ko sa buong linggo, saka ko na siguro daragdagdan kung umapak na ako ng 4th year.

”Ang mahal naman pala sa skwelahang iyan, bihasa naman ba ang mga iyong guro?”

”Opo, la. Marunong po sila sa pagtuturo..” totoo ang sinabi ko, lahat ng guro doon ay may ibubuga. Hindi kulang sa kagamitan ang fatima, kumpleto sila at bawat silid ay may sariling aircon.

”Kailan ka ba padadalhan ni henry?” she's reffering my father, naka-usap ko naman na si papa at mama noong isang gabi. Iyon ang sabi nila, sa augusto ng katapusan pa nila ako mabibigyan ng pera kaya kailangan pagkasyahin ko ang pera na meron ako ngayon

”Sa katapusan pa, la. Wag niyo na pong masyadong isipin 'yon. Naki-usap naman ako sa mga proffessor at ayos lang sa kanila..” tumango si lola, nakakalungkot man na madalas siyang maiwan dito ay wala akong magagawa. Hindi naman din pweding huminto ako habang sinasamahan siya sa bahay, kinumbinsi siya ni mama na umuwi na roon sa probinsya ngunit hindi nito nais iwan ang bahay ni lolo.

Inawanan ko ng makaka-kain si lola bago umalis, at saka. Maraming pagkain sa ref at prutas na madalas dalhin ni trixie, noong isang gabi ay nakitulog siya sa bahay dahil biglang nagka-problema doon sa kuryente ng  transformer malapit sa kanila, dalawa naman na ang kwarto dito at magkasama kami ni trixie sa kwarto.

Natural ay hindi ko piniling magkatabi kami, ang sabi nito ay ayos lang na magtabi kami sa kama. But i refuse, naglatag ako ng makapal na comforter sa lapag at doon namahinga. Payapa naman sana ang gabing iyon ngunit biglang nagising ang diwa ko sa pagtunog ng cellphone ni trixie.

Natutulog siya ng tumawag ang ashong na 'yon, sa inis ko dahil istorbo siya sa tulog ko'y sinagot ko iyon at pinagsalitaan siya ng nais ko. Binaba ko ang tawag at pinatay ang cellphone ni trixie ng gabing 'yon, sino ba ang matinong lalake na tatawag sa dis-oras ng gabi?

”Wen!” it's was calix voice again, kaya't ayokong nagpapahuling pumasok ay malamang makikita ko siya, hindi kasi ako ready pag umagang ganito. Hindi pa yata maayos ang mukha ko kahit bihis na at patungo na ng fatima.

”Sakay na!” lumakad ako palapit at agad ng binuksan ang pinto, wala din naman akong magagawa kung tatanggi pa ako, mapilit ang isang 'to.

”Bago na naman 'yang salamin mo, hm?”

”Oo, binili ko kahapon..” nilingon niya ako habang nagmamaneho, alas siete na at ang klase namin ay alas siete y'media pa. Hindi pa ako late.

”Mas gusto ko 'yung ayos mo noong isang araw, hindi mo suot ang salamin mo..”

”Hindi ako sanay, cal..” natawa siya at panandalian akong binalingan bago mag-focus muli sa daan, lumiko siya sa kalsada patungo ng fatima.

"Sanayin mo kasi ang sarili mo, ang ganda mo kaya..” feel ko ang pag-iinit ng aking pisngi, ang nararamdaman ko sa aking dibdib ay hindi na husto sa tamang proseso, simpleng salita mula sa kanya ay tila iyon ang susi para maging buo ang araw ko.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon