Make Over

262 21 2
                                    

Chapter 12

Winter Pov.

Tatlong araw ang sunod-sunod na ensayong ginanap sa field ng fatima, aaminin ko'ng naging mahirap sa akin ang pagsasayaw. Medyo kabado ako sa t'wing ako na ang ihahagis sa ere at isisigaw ang pangalan ng grupo namin.

Napag-alaman ko'ng tatlong squad sa cheering ang maglalaban sa darating na biyernes.

Ngayong araw na ito, ay abala ang mga studyante sa darating na anibersaryo. Miyerkules ngayon, ilang araw na lang ay dudumugin na ang fatima ng kabilang unibersidad.

Kabado man ngunit ayos lang dahil sa ilang grupo ko na talagang sinuportahan ako, akala ko'y mamalaitin rin nila ako gaya ng iba, ngunit napag-alaman ko'ng hindi naman lahat ay may masamang ugali gaya ng iba.

”What time is your rehearsal later?” binalingan ko ng tingin si calix ng magtanong ito, kasalukuyan kaming nasa cafeteria habang kumakain. Alas dose na, hindi rin naman gaanong active sa pagtuturo ang mga professor dahil gaya namin ay abala rin sila.

”Mga alas kwatro, sa gym kami..” He nodded twice while staring at me, umiinom ito sa kanyang milk shake at hindi talaga inaalis ang tingin sa akin.

Medyo nakakailang lang.

”I will watch you later..”

”W-wala ba kayong practice?” medyo nagulat ako.

”Maybe there's no practice today, we'll rest for tomorrow..” inilapag nito ang hawak sa mesa at muli ay nagpatuloy sa pagkain, medyo nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib dahil na rin manunuod siya.

Ilang araw din naman ang practice nila sa basketball, kapwa kami abala at hindi masyadong nagkikita. At sa isiping manunuod siya mamaya ay todo kabado na ang aking dibdib.

”Do your best huh?”

Nangiti na lang ako bago tumango. ”Sure, hindi naman gaanong big deal sa akin..” pinilit ko'ng ngumiti kahit na nag-aalburoto ang aking puso. At dahil nalaman ko'ng manonood ito ay hindi na ako nakakain ng maayos, maging ng lapitan ako ni deborah upang sabay kaming umakyat sa silid ay hindi na ako nakapag-paalam ng maayos kay calix.

”Boyfriend mo ba si calix?” nilingon ko si deborah habang tinatahak namin ang pasilyo patungo sa silid, nagkanda-kurap kurap ako dahil feeling ko'y namumula ang aking mukha.

”Mukha ba kaming mag-boyfriend kung titingnan?”

”Hm..” tumango siya. ”Dahil masyado siyang maalaga sa'yo, napapansin ko lang na malapit pala kayo sa isa't isa kahit na bago ka palang dito..”

”Kababata ko kasi si calix..”

”Talaga ba?” umaliwalas bigla ang maamo nitong mukha, medyo matangkad siya sa akin at maayos naman kumpara sa pananamit ko.

”Oo..” pilit ang aking ngiti samantalang siya'y todo ningning ang mata.

”Kung ganon, magkaibigan lang pala kayo?”

Palihim akong napanguso, isang katotohanang napakahirap tanggapin. Alam ko'ng hindi rin naman ako ang nakakaranas ng ganito, meron din namang iba riyan na tiyak ay nahulog ang loob sa kanilang bestfriend. Ngunit one sided love nga lang.

”O-oo, kaibigan ko lang si calix..” kinagat nito ang labi bago mag-iwas ng tingin, tila nahiya at hindi na muling nagtanong pa. Naninibago ako rito dahil usually ay hindi naman siya nagtatanong tungkol kay calix.

May gusto ba siya kay calix?

Tatlong klase pa ang pinasukan namin na nagbigay ng short quizes. Ang ilang professor naman ay hindi makakapasok bukas at hinayaan kaming magkaroon ng libreng oras para sa pag-eensayo.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now