Kiss

368 33 6
                                    

Chapter 30

Winter Pov.

Sa hindi kadilimang parkinglot ay doon nakapark ang kotse ni ashong. Ipinahiram nito sa akin ang longsleeve niya na ngayon ay naging jacket ko na.

Malaki ang pasalamat ko dahil nakita ako ni ashong dito. Kung hindi niya ako nakita sa oras na iyon, ay tiyak na hindi ako titigilan ng mga lalakeng nagmula sa loob.

Nilingon ako ni ashong habang nakasandal ako sa kanyang kotse. Yakap ko ang sarili habang nagsasalubong na ang kilay nito sa akin.

"Hinayaan ka ni calix na magsuot ka ng ganyan?" nagtutunog husgado siya. Hindi ko mapangalan kung anong reaksyon ang nakita ko sa kanya matapos niya akong dalhin dito.

Mukha siyang hindi mapakali at kung hindi ko pa inayos ang binigay niyang longsleeve ay hindi ako nito titingnan.

"Si tita leonore ang may ideya rito. Walang alam si calix sa suot ko"

"But still. He let you to wear that, nasaan ba siya? Bakit hindi mo ito kasama?"

Napabuntong hininga ako. "Nasa loob. Inaasikaso ang mga bisita"

"Kaya pinabayaan ka na nito? Muntik ka ng mapahamak sa kamay ni roiland, mabuti na lang at nakita kita"

"Alam ko, salamat.." titig na titig siya sakin na halatang may sasabihin pa. Ngunit nag-iwas na lamang siya ng tingin bago mapahilamos sa mukha.

"Bakit ba kasi ako nag-alala sayo?" bumubulong siya sa gilid na tila may kausap. Naintindihan ko naman ang kanyang sinabi kayat naguluhan rin ako.

Hindi naman siya ganito noon.

Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sakin.

"Sh*t. Ano bang ginagawa ko?" ginulo niya ang buhok. Nagpalakad-lakad sa gilid bago huminto at magpakawala ng mahabang buntong hininga.

"Ihahatid na kita.."

Pinaglapat ko ang labi bago umiling. Hindi pa ako nakakapag-paalam kay calix. Ayokong hanapin niya ako at baka mag-alala ito sa akin.

"Si calix na ang maghahatid sa akin.."

"Hindi ka maihahatid ni calix kung abala siya loob. Maraming bisita at baka lalo ka lamang pag-initan ni roiland sa oras na malasing ito.." lumapit siya sa kotse at agarang binuksan ang pinto. Sinenyasan niya akong sumakay ngunit nanatili akong nakatayo sa gilid. "Sumakay ka na winter, babalik ako rito at sasabihin ko kay calix na hinatid na kita.."

Nagbaba ako ng tingim bago bumuntong hininga. Nais ko rin naman ng umuwi na. Sa totoo lang ay ayoko ng bumalik sa loob. Ngunit dahil sinabi ni ashong na sasabihin nito ang ginawa niya ay tumango na ako bago maglakad upang maupo sa passengerseat.

Siya mismo ang nagsara ng pinto bago umikot patungo sa tabi ko. Salubong na naman ang kanyang kilay. Laging mukhang galit at madali kung mainis sa isang bagay.

Minaobra niya ang manubela bago iliko palabas ang kotse. Tahimik lamang akong nakatingin sa bintana habang binabaybay na namin ang kalsada.

"Kumusta naman ang date niyo ng lalakeng 'yon?" nilingon ko si ashong ng basagin nito ang katahimikan. Nakatingin ito sa daan ngunit halatang naghihintay sa sagot ko.

"Hindi kami nagdate.." nilingon niya ako, nakataas ang kilay na tila hindi pa naniwala sa sinabi ko.

"At saan kayo pumunta?"

"Inihatid niya lang ako sa salon, Ang mommy nito ang nakasama ko maghapon.." hindi ko alam kung anong naging reaksyon nito dahil tumingin na ako sa kalsada.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now