Help Again

264 19 0
                                    

Chapter 24

Winter Pov.

Automatikong mulat ang aking mata sa pagpatak ng alas siete, nais ko pa sanang matulog ngunit ayaw na ng aking mata at katawan. Sabado ngayon, wala namang klase at napaka-sarap humilata sa kama. Malamig ang simoy ng hangin, ilang araw na lang ay matatapos na ang setyembre.

Palapit na ang pasko, at ang sembreak. Balak naming tumungo ng probinsya at doon ay mag celebrate, kasama sila tita raquel at ang amerikano niyang asawa na ama ni trixie.

Nakakamis na rin magising sa probinsya na ang simoy ng hangin ay napaka-sariwa. Samantalang dito ay hindi ko masabi, nakaka-amoy ako ng usok.

Hindi ko alam kung bakit usok at pumapasok iyon sa bintana. Tumayo ako, wala pa akong bra at hilamos ng sumilip sa bintana. Nakita ko ang kumpulan ng mga tuyong dahon na sinusunog sa likurang bahay namin.

Maliit lamang ang espasyo sa likuran ng bahay, may pader doon. Sa kabila ng pader ay maalwalas na daan patungo sa ilang bahay. Ngunit sino ang magsusunog rito.

Lumabas ako ng hindi na nag-ayos, hindi na ako nagsuklay at naghanda dahil alam kong si lola lang naman ang naririnig kong nagwawalis sa gilid ng bahay.

May Ipil-ipil at narra kasing nakatanim rito, kayat hindi naaalis ang mga tuyong dahon na nahuhulog sa aming bakuran.

”Lola ako na riyan..” nilapitan ko si lola ngunit hindi nito ibinigay ang hawak na walis, nakatingin siya sa akin bago niya iyon ilapag sa gilid.

”Nagising ka ba? Walang pasok ngayon hindi ba?”

”Opo, bakit po kayo nagsusunog? Ako na 'ron, baka ubuhin pa kayo..”

”Hindi kasi darating ang maghahakot ng basura ngayon, tinulungan naman ako ng kaibigan mo para mailagay iyon sa likuran..” nangunot ang noo ko, kaibigan? Sinong kaibigan ang tutulong kay lola?

“Sino po?”

Hindi na nakasagot si lola ng biglaang lumabas si ashong sa gilid, pawisan na yan kahit umaga. Madumi ang suot niyang puting v-neckshirt at ang pawis ay nagdudulot ng kabasaan sa kanyang dibdib.

Lumapit siya sa kinatatayuan namin, lumingon siya sa akin na agarang hinagod ang aking kabuuan. Alam kong wala pa akong ayos at hilamos, ngunit hindi ko naman expect na matitigalan siya.

”Ikukuha lang kita ng maiinom..” tumalikod si lola, himala na hindi man lang siya natinag o kumurap. Anong nangyari?

”Ang aga mong narito?” tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin, isang beses na lumunok bago hagurin ang kanyang batok. ”Are you sure you can walk like that, winter?” hindi na siya muling tumingin sa akin, nagtanong ako ngunit tanong rin ang ibabalik niya sakin.

“Sanay naman akong walang ayos, ashong. Ang tanong ko, bakit ang aga mo? Baka hanapin ka ni senyora angelina sakin..”

Nilingon niya ako, kunot ang noo ngunit napamura na lang siyang tumalikod pabalik sa likuran.

Eksaktong lumabas si lola dala ang pitsel at baso, nagtataka siyang lumapit na tila hinahanap si ashong.

”Nasaan na ang kaibigan mo?” hindi ko gaanong nagugustuhan ang tunog kaibigan, saan napulot ni lola 'yon? Kailan ko pa siya naging kaibigan?

”Bumalik po sa likuran..” tumango si lola bago aakmang lalakad sana, ngunit bago siya lumisan ay nilingon niya pa ako.

”Ayusin mo iyang ayos mo, kailan mo pa natutunang lumabas ng walang bra?”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now