Pagbabanta

253 19 3
                                    

Chapter 15

Winter Pov

Ginabi ako sa pag-aayos ng mga halaman sa hardin, dahil hilig ni lola ang magtanim noon ay muli siyang nagbungkal ng lupa at nag-imbak ng kaonting sako sa gilid ng bahay. Maliit lamang ang bakuran sa harapan, sakto lang sa mga halamang namumulaklak na kay ganda sa paningin.

May malaking paso sa tabi ng pintuan at doon nakalagi ang pinakamalaking halamang nagustuhan ni lola.

”Bakit hindi ka sumama kay trixie kanina?” nilingon ko si lola ng magtanong ito, tumungo kasi si trixie kanina rito matapos ng ilang oras na pagkaka-alis ni ashong.

Nag-alok itong lumabas at pumunta ng mall upang mamili ng ilang damit, ngunit tinanggihan ko ang kanyang paanyaya hindi dahil sa ayaw ko, alam kong nais lamang bumawi sa akin ni trixie dahil na rin nalaman na niya ang totoo.

”Wala lang po ako sa mood mamasyal..” iyon ang sagot ko kay lola bago ako mag-iwas ng tingin, pinagpapawisan pa ako dahil hindi pa ako nakaligo. Idagdag mo pa na sobrang init talaga ng araw kahit bermonths na.

”Subukan mong pakisamahan si trixie, gusto ko rin magmasid ka doon sa lalakeng nanliligaw sa kanya..”

Napabuga ako ng hangin. ”Hayaan niyo na po si trixie doon, la..” nakatitig sa akin si lola na biglang naguluhan. ”Wala rin naman akong magagawa kung gusto niya ang lalakeng 'yon, atsaka pa. Ayoko rin makasama siya at makatuluyan nito si trixie..”

”Bakit mo naman nasasabi yan?”

"Basta po, la. Mabigat lamang ang dugo ko sa lalakeng 'yon..” tumayo ako bago ayusin ang aking upuan. ”Mauuna na ako sa banyo, la. Kailangan ko ng maligo..”

”O, sge..”

Halatang may nais sabihin pa si lola ngunit hindi ko na lamang binigyang pansin, kung ang lalakeng iyon lamang ang pag-uusapan ay mas mabuting mamahinga na lamang ako ng maaga kesa tuluyan na niyang sirain ang buong araw ko.

ARAW NG LUNES, mag-isa akong tumungo ng fatima at hindi na inabala pang hintayin si calix. Hindi ko pa rin natanggap ang perang ipapadala sana sakin ni erpats, paano kasi. Nagkaroon ng problema sa flower farm at trucking, hindi na ako nagtanong pa kay erpats kung bakit. Alam ko'ng hindi niya ako nais mag-alala pa dahil ang kagustuhan nito ay mabutihin ko ang aking pag-aaral.

”Winter!” bigla akong natigilan sa paglalakad, nasa gitna ako ng coridor at nilingon ang boses ng babaeng tumawag sa pangalan ko.

And it's deborah who running towards on me, she had a wide smile when she stop besides me. Pinangunutan ko siya ng noo habang pahagod na ang mata niya sa aking kabuuan.

”Hindi na kita nakausap noong biyernes, ang ganda mo na pala talaga..” i feel a little bit insulted, hindi ba ako maganda dati? Pangit ba ako noong una kaming nagkita?

I gave her a fake smile. ”Mas maganda ka, deborah..” after i told that i glanced at her back, hindi sana ako mapapabuga ng hangin kung hindi ko lang nakita ang malas sa buhay ko.

It's ashong again.

”Tara na..” nauna akong tumalikod dahil hindi ko na nais pang maabutan kami ni ashong, hes with giovanni and jacob. Pero dahil naiirita ako rito ay ayoko ng magkrus pa ang landas namin.

”Bakit hindi mo kasabay si calix?”

”Nauna akong pumasok..” i answered deborah without looking, diretso ang aking paningin at may pagmamadali ang paglalakad.

Dinig ko ang pagbibitaw niya ng mabibigat na hininga. ”Madalas kayong magkasama, nakita ko kayo noong biyernes na sabay umuwi..”

Lumiko kami patungong gusali, hindi ko siya sinagot. Bakit ba niya madalas itanong sa akin si calix?

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now