You Like me

272 15 0
                                    

Chapter 4

Winter Pov.

Nanunuot ang lutong sinabawang manok sa aking pang-amoy, nilalanghap ko iyon habang unti-unting naluluto. Ipinagluto ko ng tinola si lola dahil nais niyang magbago ang kanyang panlasa. Mahigit ilang araw na rin siyang hindi kumakain ng karne, at ngayong araw ay ipinaghain ko siya ng kanyang gustong pagkain.

Nagsalin ako sa hindi kalakihang silyo, inilapag ko iyon sa gitnang mesa habang nakahanda na ang kanin ni lola sa kanyang plato.

Ngumiti siya sa'kin ng lagyan ko ng sabaw ang kanyang pagkain. ”Katulad ng iyong ina, bihasa ka talaga sa pagluluto..” malaki ang aking ngiti sa papuri ni lola.

Hindi naman po mahirap pag-aralan ang bawat rekados at paghahain, simple lang..”

Ini-usog ko iyon sa kanyang tapat matapos malagyan ang kanyang plato, pinapanuod ko siyang tikman iyon hangga sa tumango-tango siya.

”Kumain ka na, may pasok ka pa di'ba?” bumuntong hininga ako bago tumango, naupo ako sa kanyang gilid at doon nilagyan ang bakanteng plato ng kanin.

”Opo, baka gagabihin uli ako gaya kahapon..”

”Ayos lang, basta mag-aral ka ng mabuti..” tumango ako kay lola, kagabi ay naabutan ko si trixie dito. Mabuti na lamang at may nag-asikaso kay lola habang wala ako, pero hindi ko talaga mawaglit sa isip ang nangyari habang pauwi ko.

Hangga ngayon ay nagsisitayuan pa rin ang buhok ko sa katawan dahil sa ginawa niyang iyon.

Manyakis na ashong!

”Masarap 'kang magluto, hindi gaya ni trixie na walang lasa ang inihain kagabi..” bahagya akong natawa kay lola.

”Sana'y po iyon sa buhay abroad lola, H'wag na po kayong magtaka..”

"Ang sabihin mo, sinanay siya ni raquel sa marangyang buhay, hindi gaya ni elena na 'yong ina ay iminulat ka nito sa kabuhayang simple lamang..”

Napanguso ako, hindi sa nahihirapan kami sa probinsya. Sagana ang flower farm doon kung minsan. Ngunit hindi iyon ang dahilan upang umasta kaming mayaman, hindi iyon ang itinuro sa akin ni mama at papa.

”Mabait naman po si trixie, lola..” iyon na lang ang siyang isinagot ko, ngunit sa totoo lang ay hindi ko mahulaan kung anong ugaling meron si trixie. Noong bata kami ay hindi kami madalas mag-usap, bihasa kasi ito sa ingles noon dahil nakapag-asawa ng taga-ibang bansa si tita raquel, hangga sa dumating ang araw na doon na lamang mag-aral si trixie.

”Lola perla?” kapwa kami ni lola na gumawi ang paningin sa pintuan, may tumatawag sa labas at base sa tinig nito ay nakukuha ko ng kung sino iyon.

Tumayo ako, binuksan ko ang pinto at doon nga'y bumungad ang babaeng pinag-uusapan pa lang namin ngayon.

Ipinaglapat nito ang labi ng makita ako, hindi ngumiti bagkus ay tumaliwas ang paningin nito sa aking likuran.

”Where's lola?”

”Nasa loob, pasok ka..” binuksan ko ang pinto sa maalwalas na espasyo, nauna akong tumalikod habang ramdam ko ang yapak ng kanyang sapatos sa aking likuran.

”Goodmorning, lola. I brought your favorite fruits..” sumandal ako sa gilid ng hagdan, tinatanaw ko ang dala niyang brown paper bag na naglalaman kuno ng mga paboritong prutas ni lola.

”Nag-abala ka pa, salamat..”

”If you have something just tell me, la. I will buy it for you..”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon