Winter's Crush

243 17 0
                                    

Chapter 7

Winter Pov.

Sa lahat ng studyanteng nakikita ko ay mas tanaw ko pa ang pagmumukha ng lalakeng 'yon. Ultimong nakataas niyang kilay ay hindi pinatakas ng paningin ko. Alam ko ang kanyang iniisip, mali na naman. Sa lahat ng mahangin ay siya ang pinakamalakas, ihanda ang makapal na balabal kung siya'y babanat.

Pinagtatawanan siya ng kasama nito, kalaunan ay ngumisi iyon. Sa lahat ng ngisi ay iyon ang nakikita ko'ng delikado, ang kaibigan nito ay certified playboy base sa'kin. At itong ashong na'to ay kinulang sa buwan, hindi sapat ang kaisipan niya sa bawat aktong ginagawa nito, isip bata kumbaga.

”She made a letter..” giovanni commented while scanning the whole paper, tsk. Hindi ko ginawa 'yan. At sana'y hindi ko na lang pinulot at hinayaang nakadikit sa sapatos ko.

”Absolutely, yes. She made a s*ck letter..” umirap ako, nagpatuloy sila sa paglalakad at ewan ko nga ba kung bakit hangga ngayon ay hindi pa ako lumilisan, nakuha na nitong makalapit sa'kin na may malakas na kumpyana sa ngisi niya.

What should i expect?

Siguradong iisipin niyan na sa akin nagmula ang sulat na'yon, natural sa 'kin iyon nagmula bago dumapo sa asungot niyang mukha.

”Are you a fun of love letter, i didn't expect this, four eyes..” umismid ako, hindi ko rin naman inaasahan ito, mangarap ka lang sa abot ng 'yong mararating.

”I'm not the owner of that letter..”

Umarko lamang ang kanyang nguso. ”And i don't like you..” giovanni laugh while covering his mouth, tila'y sa ganoong paraan naasar ang kaibigan niya.

Easy to say, ashong had a very short patience.

”I know you will deny it, sino ba ang aamin na may gusto ang isang tao sa kaaway niya?”

”Hindi ko alam, ngunit kung iyan ang gusto 'mong paniwalaan wala na akong magagawa..” tumalikod na ako, Hindi ko alam kung naroon na ba ang susunod ko'ng professor dahil sa oras na nagugol ko rito.

Mahuhuli pa yata ako.

”Alam ko'ng gusto mo ako, wala namang masama doon dahil sa anyo ko pa lang ay mahuhumaling ka na..” natigilan ako sa sinabi niya, ashong screaming that words. Hindi maiwasang mapatingin sa'kin ng ilang studyante kaya't napapikit ako.

”H'wag mo ng itanggi, four eyes. Huli ka na sa akto..” dinig ko ang boses niya sa gilid ko, naroon na ito at bawat pag-ngisi niya ay may tunog. Nakaka-irita lang.

”Iyon naman din ang sinabi ko, ashong. Kung nais 'mong paniwalaan ang nililikha ng 'yong kakarampot na isip ay bahala ka, libre lang naman mangarap ng dilat..”

”Fvck!” giovanni laugh automatically, napahampas siya sa kanyang kaibigan na madali kung mag-init ang ulo. ”I like you, babe. You're really incredible brave woman..” wala akong nasagot sa kaibigan niya, gwapo sana ngunit hindi ko siya nanaisin. Mas handa akong magpaka-lunod sa feelings ko kay calix.

H'wag lang sa kanila.

”Your getting on my nerves, four eyes. Just spill the reality that you really had a feelings on me..”

”Paano ba ako magkaka-gusto sa katulad mo?” kunot ang kanyang noo sa katungan ko. ”Hindi angkop ng personalidad mo ang matitipuhan ko, hindi ka man lang nangalahati sa lalakeng hinahangaan ko..”

Tuluyan ng nalukot ang pagmumukha niya, hindi na ito maipinta at inaasahan ko ng may sasabihin siya ngunit ni isa'y wala, nag-tiim bagang ito bago lumisan at iwanan ang kanyang kaibigan.

”You hit him by using your words..” nilingon ko ang nakangisi nitong kaibigan. ”Just don't mind him, maybe you can ignore my friend for your own sake..” tinapik nito ang balikat ko, bago siya lumisan ay hindi nito pinalampas ang aking pisngi upang pisilin. Sa huli ay halos maghimaktol ang mga kababaihang nakakita sa ginawa niya.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now