Fooled

282 19 0
                                    

Chapter 14

Winter Pov.

Tahimik si ashong habang nakaupo sa sala, katabi nito si trixie na kausap si lola sa kanyang harapan, hindi ko alam kung bakit natutuwa akong makitang hindi kumportable si ashong. Siguro'y hangga ngayon ay iniisip pa rin niya ang tungkol sa amin ni trixie. Sino ba naman ang hindi magugulat?

Ang nililigawan niya ay pinsan ko lang naman, nangangamba ba siyang baka sabihin ko lahat kay trixie?

Napapailing ako at pinagpatuloy ang ginagawa, naghahanda kami ng miryenda para sa kaonting pagkain na pagsasaluhan namin. Hindi ko rin naman alam na ngayon pala babalik si ashong. Nakatadhana na sigurong magkita kami at malaman niya ang totoong ugnayan namin ni trixie.

”Tikman mo nga ito.” itinapat ni calix sa akin ang sandok na may kaonting laman ng kanyang niluluto, naghahain siya ng spaghetti sauce na nilagyan nito ng gatas. Tumango tango ako ng matikman iyon.

”Masarap, pwedi na yan..” ako na mismo ang lumapit sa stove upang patayin iyon, kumuha na rin ako ng medium bowl upang doon isalin ang sauce.

Nakaantabay naman na si calix sa gilid habang pinapanuod ako. ”Why his visiting here?” nilingon ko siya habang nagsasalin, alam ko naman na kung sino ang tinutukoy nito kaya't nagkibit balikat ako.

”Malay ko.”

”Alam ba ni trixie lahat ng ginawa niya sayo?”

Umiling ako. ”Hindi, at wala rin naman akong balak ipaalam pa, ayoko ng magtalo pa kami..”

Dinig ko ang marahas na paghinga ni calix, alam kong malaki ang pagtutol nito at kahit siya ay nais tirahin si ashong.

”I really didn't like the way he treated you, ako nga hindi kita pinagsasalitaan ng masama, tapos siya gaganyanin ka, gag* siya!”

”Tumigil ka na..”

”Ang problema kasi sayo masyado kang mabait, ano naman sayo kung hindi siya sagutin ni trixe, it's better that they don't have a relationship anymore..”

I put the bowl aside before looking back at him, his forehead was wrinkled naturally due to irritation. Napailing ako bago bumuntong hininga.

”Sa susunod na may gawin siyang muli hindi ko na siya palalampasin pa, at saka. Nanalo naman na kami kanina, palagpasin mo na..”

He sighed before looked away, kunot pa rin ang noo dahil sa isinagot ko.

”I won't let that happen again, dahil ako mismo ang makakalaban niya, but still hes not forgiven, ayoko pa rin sa kanya..”

Wala na lang akong masabi bago nito buhatin ang sauce patungong mesa, tahimik akong sumunod rito dahilan upang malingon sa amin si lola at trixie, doon rin nagtama ang paningin namin ni ashong bago tumayo si trixie.

”Ang bango naman, nakakapagluto ka pala?” kay calix nakatingin si trixie, at dahil pinupuri nito si calix ay madali itong nagyabang.

”My hobbies is not just playing basketball, I also know how to cook because of my mom.” ngumiti si calix, nagpapasikat pa rin. ”The person you will be with must know how to work in the kitchen, dapat magaling kang mamili..” he looked at ashong who remained sitting in the living room.

”How about you philip, did you know how to cook?” sumulyap si lola rito, madaling nagbigay ng ngiti si ashong dahil hindi niya nais ma-bad shot kay lola.

”Ofcourse i know..” ashong answered confidently.

I almost laughed in my mind,

He knows how to cook?

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now