First Girlfriend

315 19 1
                                    

Chapter 26

Winter Pov.

Dinala ako ni ashong sa isang restaurant, may kalayuan ito at hindi pamilyar ang lugar sa akin. Maraming taong nakain sa lugar na 'to, Karamihan sa kanila ay napaka-sosyal ng dating. Elegante at pormal ang kanilang kasuotan, ang ilan ay mga magkasintahan na halatang dinadayo talaga ang restaurant na ito.

Ipinaghila ako ni ashong ng upuan, himala nga dahil uso pala ang salitang gentleman sa kanya. Naupo siya matapos kong maupo, may lumapit na waiter sa amin at binati kami.

”Goodafternoon, maam and sir” ngumiti lamang si ashong bago kunin ang menu na nakalahad sa kanya. May aparteng menu rin na inabot sa akin ang waiter na agaran kong kinuha.

Hindi gaanong kalakihan ang presyo rito.

Swak naman sa bulsa ng lalakeng ito maging sa akin, ngunit alam kong barya lang ang perang gagastusin ni ashong rito.

”I want this two dish” ipinakita ni ashong ang kanya, samantalang ako ay hindi makapili. Gusto ko kasi lahat nito at hindi ko alam kung anong pipiliin ko. ”Ikaw, anong order mo?” nasa menu pa rin ang tingin ko, masarap ang lahat at nais kong tikman lahat ng nakikita ko. Ngunit nahihiya ako kay ashong dahil sagot niya ang gastos.

”Ano ba ang masarap dito?” sa waiter ko ipinakita ang menu, lumapit siya sa akin at tiningnan kung saang parte ang tinuturo ko.

”Masarap po lahat ng iyan maam”

”Talaga ba?” tumangong nakangiti sa akin ang waiter, dahil sa isinagot niya ay wala lalo akong napili.

Ngunit ang ashong na'to ay hinigit ang hawak ko, ibinigay niya iyon sa waiter na halos samaan na niya ng tingin.

”Prefer five dish for her!” madaling tumango ang waiter na agad ring lumisan sa pwesto namin. Pinangunutan ko ng noo si ashong dahil sa ugali niya.

”Hindi mo siya kailangan sigawan, ashong" hindi naging maayos ang tingin niya sakin, ewan ko nga ba kung ano na naman ang problema nito.

”You can ask me about the meal, winter. But you choose to talk with him!” umirap siya.

Iyon lang ang kinagaganon niya?

Natural magtatanong ako sa waiter dahil siya lang naman ang nakaka-alam sa mga pagkaing nasa menu.

”Nagtanong ako sa kanya dahil nagtatrabaho siya rito”

”Why dont you ask me first?”

”Ganun ba ang dapat na gawin ko?”

”Oo, ganun dapat. Dahil ako ang kasama mo!” sumandal siya sa upuan at nilihis ang tingin sa akin, napailing ako dahil maging iyon ay poproblemahin niya pa.

”Sa susunod iyon na ang gagawin ko” sumandal ako sa aking upuan matapos sabihin iyon, naging tahimik kami at hindi nagkibuan. Para siyang biglang tinopak sa hindi ko malamang dahilan.

Nakuhang dumating ng waiter ay hindi niya man lang ako kinibo, malaki pa ang galit sa waiter dahil habang nagseserve ito ay masama ang kanyang tingin.

Ni hindi na ako nilingon ng waiter at yumuko na lamang matapos niyang mailapag lahat ng order namin.

Bigla yata siyang natakot sa lalakeng 'to.

Ang init kasi agad ng ulo, para sa simpleng tanong lamang ay bubulyawan niya pa ang walang alam na waiter sa kairitasyon niya.

”Anong tinitingin mo? hindi ka pa ba kakain?” napaka-sungit niya kung magtanong.

”Kung ganyan lamang kadali uminit ang ulo mo wala kang makakasundo, ashong.”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now