Flowers

251 18 0
                                    

Chapter 20

Winter Pov.

”Class dismiss!”

Iyon na yata ang salitang pinaka-gusto ko ngayong araw, para syang mahiwagang salaysay na nagustuhan ko at nais kong magdiwang, hindi ko alam kung bakit ang tamad ko ngayong araw.

Nainis kasi ako dahil hindi ko man lang nakita si calix kaninang umaga, ngayong hapon at miryenda.

Umaasa ako na baka magkita kami ngayong uwian, nakakaloka lang dahil matapos niyang magtapat tungkol sa nararamdaman nito ay hindi na siya nagparamdam, hindi rin naman ako nagreply ukol sa sinabi niya.

Wala naman akong masabi.

Ano ba dapat ang sabihin ko?

I like you too, at payag akong manligaw ka.

Nahihiya ako, wala akong lakas ng loob.

Siguro kung sa personal nya sasabihin iyon ay may makakapa pa akong salita upang ikomento.

”Uuwi ka na?” tumango ako kay deborah, natapos na rin naman ang report namin ngayong araw. At aaminin kong naging maayos naman, ang kaso lang. Ayoko ng muli pang makasama ang tatlong iyon sa darating na group report namin kung sakaling meron pang susunod.

”Pwedi ba tayong magkita ngayong linggo?” nagtataka kong nilingon si deborah habang inilalagay ko ang aking notebook sa bag.

”Sa linggo ba? Baka kasi may lakad ako..” naalala ko iyong tungkol sa opening ng isang branch nila calix, linggo iyon. At alam na ni tita leonore na darating ako.

Kahit hindi ako sanay sa bar.

”Ganun ba, bumili kasi ako ng mga halaman kahapon, ang kaso lang wala pa akong malalagyang espasyo sa likod bahay..”

”Talaga? Pwede naman sa sabado, wala akong gagawin..”

”Sure ka?”

”Oo naman, tutulungan kitang gumawa ng maliit na hardin, sa likod bahay ba?”

Tumango sya, malaki ang ngiti at nangislap ang bibilugin niyang mata. ”Oo, malaki kasi ang parkingan ni daddy sa harapan, baka masira sa harap kung doon ko ilalagay..”

”Wala ba kayong garden sa bahay?”

Umiling ito. ”Maalwalas na space lang ang meron kami sa harapang bahay, may swing din at mga puno ng mangga lang, kaya nga nais kong magtanim ng mga bulaklak sa likod..”

Tumango tango ako. ”Sige, sa sabado. Kunin ko ang number mo..” inilabas ko ang aking cellphone at agarang inilahad iyon sa kanya, mabilis nitong tinipa ang kanyang numero habang nakangiti.

”Saan ka ba pupunta ngayong linggo?” binulsa ko ang cellphone ng i-abot niya iyon sa akin pabalik, nakaupo pa rin kami kahit na nangalahati na ang mga classmate naming lumabas.

”May opening bar kasi akong aattenand, hindi maaari akong hindi pumunta, baka magtampo ang mommy ni calix..”

”Mommy ni calix?” tumango ako, sa t'wing si calix ang usapan ay madali kong nakukuha ang interest nya, ganun man. Hindi ko na iyon pinansin.

”May negosyo kasi sila, nagtayo sila ng ikalawang branch at imbitado ako sa gabing iyon..”

”Wala ka bang kasama? Pwede mo naman akong isama.”

”Sanay ka ba sa bar?”

Napakamot sya sa ulo, sa itsura pa lang nya ay hindi ito mahilig sa ganoong lugar, gaya ko. Ay simple lang naman si deborah, ngunit maganda sya, maputi at mahaba ang buhok.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now