First Kiss

238 18 0
                                    

Chapter 8

Winter Pov.

Inihatid ako ni calix matapos naming tumungo ng mall upang magpalit ng masusuot. Siya ang nagpasyang magbihis na muna ako bago i-uwi sa bahay.

Nahihiya nga ako dahil suot ko ang mahaba niyang longsleeve ng pumasok ng mall, ultimong susuotin ko ay siya ang pumili.

Hindi na ako umangal pa, sa t'wing ganito kainit ang ulo niya ay wala rin akong magagawa.

I know him very well, pag galit siya. Galit talaga 'yan, lalo na kung nasaktan at naapi ako.

Iyon ang kinakatakot ko kung minsan sa kanya, wala siyang kontrol sa sarili at masisiguro ko'ng malalagot ang sino mang taong makita niyang nanakit sa akin.

”Ang aga mo naman naka-uwi ngayon?” malamang ay nagtaka si lola sa pag-uwi ko ng maaga, alas onse pa lang ngunit heto ako at nasa bahay na. Iba pa ang suot ko ngayon na kung kanina'y paldang floral na kulay white.

Ngayon ay isang pantalon na at simpleng tshirt, nginitian ko ng pilit si lola. Hindi nais ipakita na may nangyaring hindi inaasahan sa akin kaya't maganda ang aking ngiti kahit pilit.

”Half day lang po ang klase.”

”Talaga, mabuti naman at makakapag-pahinga ka ng maaga.” tumango ako, hindi na nagtagal si calix ng maihatid niya ako. Nag-aalala ako na baka bumalik iyon ng fatima at hagilapin ang totoong nangyari sa akin.

Napapikit ako bago hilutin ang noo, napansin agad iyon ni lola kaya't lumapit siya.

”Masakit ba ang ulo mo?”

Muli ay ngumiti ako, umiiling. ”Hindi po la, kumain na po ba kayo?”

”Oo, nakapag-luto ako ng gulay kanina. ikaw ba?”

Tumango ako. ”Opo..” iyon ang sagot ko kahit hindi, wala naman na akong nararamdamang gutom dahil sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang maapi sa kapwa ko babae.

Nais ko siyang labanan, nais ko rin itong buhusan ng malamig na tubig ngunit iniisip ko ang pag-aaral ko.

Ang mahal na nga ng tuition fee at baka ma-suspend na naman ako. Ayokong madismaya ang mga magulang ko sa'kin. Kaya't kahit gaano sila kasakit magsalita at hindi nila ako tratuhin ng mabuti ay titiisin ko na lang.

May ibang paraan naman para makaganti.

At ang karma ang siyang gagawa nito.

NANG araw na 'yon ay naglaba ako buong maghapon, inabala ko ang sarili sa gawaing bahay upang mawaglit sa isipan ko ang eksenang iyon.

Hindi naman na maaaring isipin ko'yun ng isipin palagi, siguro dapat ay masanay na ako sa kanilang ugali. Magkikita pa kami bukas, makakasalamuha ko pa sila at ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano sila iiwasan.

Napabuntong hininga ako habang namamahinga na, ginabi na ako sa gawaing bahay at ngayon ay kakatapos lang sa isang review. Hindi ko alam kung may quiz ba kami sa mga subject bukas, pero heto ako at nag-advance review dahil lumiban ako.

Mahal na mahal ko ang grado ko, ngunit naghihinayang ako sa pag-absent ngayong araw.

Kasalanan ito ng babaeng iyon.

Nakikisawsaw pa ang asungot na ashong na iyon na talagang ikinatuwa pa ang nangyari sa akin.

Hayss!

Gumulong ako sa kama at dumapa, napapabuntong hininga pa rin ako bago ipikit ang mga mata. Sa pagbalot ng kadiliman sa aking paningin ay ayun na naman ang mga studyanteng nangingiti sa sinapit ko.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now