Accidentally

256 17 0
                                    

Chapter 5

Ashton Philip Pov.

Sinalubong ko si daddy ng makababa ito ng kotse, naka-usap nito ang dean nitong isang araw at nais ng dean na magharap kaming muli sa office nito kasama ang babaeng biktima ko kuno.

Nambiktima ba ako?

Binigyan ko lang naman siya ng surpresa na ikakagulat niya, hindi ko rin namang akalaing mahihiga siya sa ibabaw ko nang hilain ko ito.

Talagang sinisira ng babaeng iyon ang araw ko.

"Anong sabi ng mga magulang ng babaeng inapi mo?"

"Dad!" nagulat ako sa sinabi niya. "I'd never abused her!"

"Kung ganon, bakit kailangan 'mong masuspendi?"

"Because is that her fault, hindi ako. Siya nga itong binato ako ng sapatos, and she almost beat my nose to cause bleeding!"

Nangunot ang kanyang noo, nakatingin sa'kin na parang hindi totoo ang sinabi ko. "Hindi ba't babae ang pinag-uusapan natin?"

"Yes.."

"So, that woman is more interesting, maybe she just need your sorry to stop this.."

"A-ano?" napakurap ako sa sinabi niya. "Sorry, ako na nga itong agrabyado, ako pa ang hihingi ng sorry?"

"Your a man, ashton. A man like you is a protector, not a leading of chaos.."

Hindi ko alam kung anong maisasagot kay daddy, parang lumilitaw na mas kampi pa siya sa babaeng 'yon. D*mn that woman, ano ba ang dapat ko'ng gawin at ng mawala siya ng tuluyan sa landas ko.

"The time is running, I have more paper works.." I sighed when he turn back on me, lumakad siya sa hallway kung saan patungo ang dean office, sumunod ako ng walang imik. Tahimik lang hangga sa makarating sa opisina.

Laking gulat ko pa ng makita doon ang babaeng apat ang mata, Ang aga niya. Atat ba siyang makita ako? Tama nga yata ang hinala ko'ng may pagtingin siya sa'kin, iyon rin naman ang naiisip ko'ng dahilan kung bakit kami umabot sa ganito.

But, i don't even like her. The way she look at me, it's creepy. Napapangiwi ako sa ayos niya, tamang pustura ba 'yan ng babae? Ang layo ng dating niya kay trixie.

"Ashton!" nalingat ang paningin ko kay daddy, bukod sa'kin ay ako na lang ang nakatayo habang tinitigan mabuti ang walang imik na babae.

What is her name again?

Tsk, why do i need to care on her name?

"Maupo ka na.." tumabi ako kay daddy ng muling magsalita siya, bukod tanging lima kaming narito na si dean martinez at ang kanyang kasamang babae.

"Nagbigay ng paumanhin ang ama mo kahapon ukol sa nangyari, ashton. At ninanais nitong tanggalin ka sa pagkaka-suspendi.." iyon ang inihayag ng dean, nakatingin sa'kin.

"Ngunit, nais ko lang marinig ang sasabihin ni villapania kung ayos lang sa kanya iyon, kung magkakasundo kayo ay maging siya ay mawawalan na ng parusa.."

Napabuntong hininga ako, kung ganon. Nasa kanya pa rin talaga ang sagot.

"Ayos lang ba sa'yo kung hindi na masuspendi si falcon?" nasa babae ang tingin ni dean martinez, hindi ko makita kung anong reaskyon nito. Ang haba kasi ng bangs niya, ang laki pa ng salamin. Sa totoo lang ay ako ang nahihirapan sa ayos niya.

"Wala pong kaso iyon sa'kin, dean martinez.." tumaas ang kilay ko sa sagot nito, walang kaso? Mabuti naman, akala ko'y magkakalabuan pa tayo rito at ipapahiya mo pa ako sa ama ko.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now