Meet trixie Cousin

267 19 1
                                    

Chapter 13

Third Person Pov.

Tahimik ang malaking bahay ng mga falcon habang abala ang kasambahay sa paglilinis, naghahanda ng makakain ang mayordoma na si manang corazon.

Inaayos nito ang kakainin ng kanyang alaga bago ito bumaba, nasa kumpanya ang mga magulang ni philip kaya't muli ay siya ang mag-isang kakain ng agahan. Dipende na lamang kung sasabayan siya ng kanyang yaya.

Mula sa dulo ng hagdan ay bumaba roon ang masiglang binata, malaki ang kanyang ngiti bago tumungo sa mesa at umupo sa pwesto nito. Nagtataka si manang corazon sa inakto ng alaga, nakangiti si philip kahit wala ang kanyang mga magulang.

”Mukhang maganda ang gising mo?” inilapag ng ginang ang mainit na gatas sa harapan nito, hindi siya nakatanggap ng reklamo bagkus ay sumsimsim pa ng nakangiti ang binata.

”Maganda ang tulog at gising ko, yaya corazon.” hindi mapawi-pawi ang ngiti ni philip, iniisip nito ang nangyari sa dalawang araw ng lumipas.

”Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?”

”Hindi pa, but i meet her lola last day, hangga ngayon natutuwa ako dahil feel ko nagustuhan ako ng kanyang lola.” tumango-tango ang ginang sa sinabi nito.

”Mabuti naman at nakilala mo ang isang miyembro ng kanyang pamilya, maganda iyon dahil hindi nito iisipin na sa labas mo lamang nililigawan ang apo niya.”

Nakangiti si philip ng sumandal sa upuan.

”Pagkatapos ng event ay didiretso kami sa bahay ng kanyang lola, doon kami kakain dahil nasabi nitong magluluto ang kanyang pinsan.”

”Talaga ba? kung ganon, baka gabihin ka na?”

”Maybe yes, I really want to spend my time with her, gusto ko rin makilala ang pinsan niya at makabonding ang lola nito.”

”Tama ang ginagawa mo.”

”Ano ba ang karaniwang pasalubong ang nagugustuhan ng mga lola?” napaisip bigla ang ginang sa tanong ni philip.

”Kung para sa'kin, mas gugustuhin ko ang pagkain, ngunit dipendi iyon sa hilig ng kanyang lola.”

”I want to give her a gift, pero hindi ko alam kung anong ibibigay ko.”

”Bigyan mo ng kwintas, o kaya naman damit.”

”Mas gusto ko ang kwintas, yaya corazon.” nakangiti si philip ng umayos ng upo, nananabik siyang matapos na ang event sa fatima upang makasama na nito si trixie.

Kaya't minadali niya ang kanyang pagkain, sinabayan siya ng ginang habang pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa plano ni philip.

Natapos siya kasabay ang ginang, madali itong nagpa-alam na tutungo ng unibersidad upang hindi mahuli sa laban.

Today is foundation day of fatima, kumpyansa siya sa sarili na maipapanalo nila ang laban sa basketball. Ilang araw din silang nag-ensayo, at dahil may inspirasyon ito ay lalong nabubuhayan ang lakas ng kanyang loob.

”Mag-uumpisa ang cheering bago ang laban.” nilingon ni philip si stanlee habang prenteng nakasandal, maraming tao sa gym. Habang siya ay nagwawarm up upang makapag-handa sa laban.

”Saan gaganapin iyon?”

”Dito sa gym.” umayos ng upo si stanlee ng tumabi sa kanya si apollo, madaling kumunot ang noo ni philip ng makita ito.

”Pinopormahan mo pa rin ba si trixie?” nag-angat ng tingin si apollo, walang ekspresyon at tamad na tamad na nakatingin rito.

”Hindi, mukhang ikaw naman ang gusto niya.”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now