Deal

265 17 0
                                    

Chapter 16

Winter Pov.

Mabibigat na buntong hininga ang mga pinakakawalan ko habang nakikinig sa huling professor. Maghapon ang discussion ngunit hindi kailanman nawaglit sa isip ko ang nangyari kanina sa library.

Lecheng ashong na 'yon, ayaw ba niya akong patahimikin?

Hangga kailan niya ba ako balak guluhin?

”Kailan tayo mag-uumpisa sa group report natin?” nilingon ko si deborah ng bumulong ito, sa totoo lang ay bigla kong nakalimutan ang report namin, ngunit dahil kailangan ng may maumpisahan ay baka mamaya na siguro.

”Mamayang uwian, kung gusto ng tatlong kasama natin.” napangiwi siya sa sagot ko.

Paano ba kasi, iyong tatlong babae ang kasama namin. Minamalas nga naman at sa dami ng classmate namin ay sila pa ang makakasama ko.

”Hindi sana tayo mahirapan sa kanila.” sang-ayon ako kaya tumango lamang ako, nilingon ko pa ang pwesto ng tatlo na kung saan ay hindi man lang sila nakikinig sa discussion.

Napasandal ako sa upuan bago muling bumuntong hininga.

”Ako ang bahala sa kanila..”

”Talaga? Paano mo gagawin iyon, madalas nga na asarin ka nila.”

Ngumisi ako bago siya balingan ng tingin. ”Ako ang leader ng grupo, ako ang presidente ng klase at sa ayaw man sa gusto nila susundin nila ako..”

Dalawang beses siyang tumango. ”May punto ka..”

Nagfocus ako sa harapan matapos niyang sumandal, ngunit kahit libangin ko ang aking kaisipan ay hindi mawala sa utak ko ang video na hawak ni ashong.

Nangangamba akong baka totohanin niya ang kanyang sinabi kanina, paano na lamang kung i-post niya iyon bigla o kaya naman ay makakita siya ng daan upang maisend iyon sa mga magulang ko.

Napapikit ako, higit na malalagot ako sa oras na mangyari iyon. Ako lamang ang nag-iisang anak, todo ingat sila sa akin ng kasama ko pa sila. Mas lalo na ngayong hindi ko sila kasama, hindi nawawala ang mensahe nila oras-oras sa cellphone ko, gabi-gabi ko silang kausap sa video call kung wala silang ginagawa.

Madalas nilang ipaalala na dapat ay makapag-graduate muna ako at pumasa bilang guro.

Para sa akin, nais ko rin naman makapagtapos. Wala sa isip ko ang mga lalake, si calix nga lang dahil simula bata pa lang kami ay protektado na niya ako.

Paano ako hindi mahuhulog.

ALAS SINGKO ng matapos ang huling subject, sumabay sa pagtayo si deborah at sumunod sa akin patungo sa tatlong ka-grupo namin.

Tumaas ang kilay ni gemma ng huminto ako sa pwesto nila, nagpupulbos ang dalawang kasama niya habang ito ay naglalagay ng lipstick.

Anong kailangan mo?” gemma asked me with a frown, hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon bago ko ipatong ang librong sa kanyang mesa.

”May study group tayo ngayon, Kailangan niyong magparticipate upang makapag-edit ako sa irereport natin .”

Tumaas ang kilay ni patricia, isa sa mga ka-grupo ko ngayon. ”Kaka-announce lang kanina niyan, bakit ba nagmamadali ka?”

”Tama si patricia, hindi ba pweding bukas na lang? May lakad pa kami!” umirap si margie, isang mataray na babae at pabagsak na inilagay ang pulbos sa bag.

Umismid ako bago kagatin ang labi. ”Hindi ko kailangan ipagpabukas ang study nito, kailangan ko ng ilang topic na dapat ay isang-ayunan niyo..”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now