First meet, First Fight

599 23 1
                                    

Chapter 1

Winter Villapania Pov.

Alas sais palang ay preparado na ang almusal ni lola, pinagluto ko ito ng lugaw dahil nanakit ang kanyang tiyan kagabi. May sakit na ulcer si lola na madalas ay sumpungin t'wing gabi, nag-aalala ako ngayon at hindi sana gustong pumasok ngunit hindi ako makakaliban.

Ilang araw na ng mag-umpisa ang klase, at sa sobrang dami ng kailangan aralin ay hindi ako maaaring um-absent.

Mula sa taas ay tanaw ko na si lola, makaluma ang bahay kaya halos lumain na rin ang hagdan kung saan binalak niyang bumaba. Nagmamadali akong lumapit dito upang tulungan siya, inalalayan ko ang bawat paghakbang nito hangga sa mai-upo ko ito sa bakanteng upuan.

"Ang aga mo yatang nagluto?” tumango ako kay lola, kumuha ako ng silyo bago iyon lagyan ng makakain niya.

"Kailangan niyo 'pong uminom ng gamot, bawal po muna kayong kumain ng karne ngayong araw..” nilapag ko ang silyong may lamang lugaw, iyon ang paalala ng doctor sa tuwing susumpungin ang kanyang ulcer. Hindi ko alam kung paano sumasakit ang kanyang tiyan, hindi naman ito nalilipasan ng gutom at lagi namang masustansya ang kanyang kinakain.

”Anong oras ang pasok mo ngayong umaga?” umupo ako sa tabi ni lola perla bago sagutin ang kanyang katanungan.

”Mamaya pa 'pong alas siete..”

”Nilalakad mo lang ba ito?” tumango ako.

”Opo, la. Malapit lang naman..” sumubo ako sa'king pagkain. Sa mga nagdaang araw ay nilalakad ko lang ang fatima, malapit lang naman dito sa village pagkalabas mo ng highway, kayang kayang lakarin.

"Mayayaman ang mga studyante doon, ang pinsan 'mong si trixie ay doon pumapasok..”

”Nakita ko nga po ito kahapon..” tinutukoy ni lola ay iyong pinsan ko'ng kakalipat lang ng bahay dito, apo siya ni lola. Anak ng kanyang panganay na nasa abroad at doon nagtuturo bilang guro, halos kami ay nais maging guro, hindi nga lang si trixie na kursong architect ang kinuha.

"Nagka-usap ba kayo ng libing?” umiling ako kay lola, hindi naman kami ganoong ka-close ni trixie dahil sa abroad ito nag-aral, ngayon lang umuwi ng mamatay ang aming lolo.

”Inaasikaso ko po kayo ng araw na 'yon, hindi ko po siya napansin..”

”Ayos lang naman kung hindi mo siya kausapin, alam ko'ng matapobre din ito gaya ng aking anak, may pinagmanahan..” hindi na ako umangal kay lola, nais ni tita raquel na kumuha ng makakatulong dito ngunit hindi pumayag si lola, sang-ayon naman ako doon ngunit hindi nito gustong magkaroon ng ibang kasama bukod sa' kin.

MATAPOS naming mag-almusal ay hinabilin ko kay mang celso si lola, siya ang bantay sa kabilang bahay na pinagkakatiwalaan ko. Sa di kalayuan naman ay doon ang bagong bahay ni trixie, ang pinsan ko. Kaming mga apo ay mga unica hija, dalawa ang anak ni lola na siyang mama ko, si mama elena at tita raquel.

”Wen!” natigilan ako bigla, dinig ko ang boses ni calix sa likuran, nasa village pa ako at hindi nakakalayo sa daan. Nakangiti ito habang nakasilip sa bintana ng kanyang kotse.

"Papasok ka na?” hindi agad ako nakasagot dahil sa paninitig ko sa kanyang mukha, kababata ko itong si calix noong nasa nueva ecija kami. Ngunit dahil naging swerte sila sa negesyo ay tila napalago iyon ng kanyang ama hangga sa pumarito sila sa manila.

Tumango ako, nahihiyang ngumiti at kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam ko'ng namumula ako.

"Isasabay na kita..” lumabas siya ng kotse, umikot ito at agad akong pinagbuksan. Nahihiya man ay pumasok na ako sa loob, tatanggi pa ba ako sa kanyang alok? Ang bango niya pa naman at ang gwapo.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now