Strange Feelings

296 23 13
                                    

Chapter 25

Third Person Pov.

Nakumbinsi ni philip na sumama si winter sa kanya patungong museum. Naunang umalis ang ama ni philip dahil sa sama ng loob, dahil anibersaryo ngayon ng kanilang art Museum ay nais sana ng ama nitong pumaroon siya upang tulungan sila sa ilang bisita.

Maraming art exhibit na gaganapin, ang ilang kilalang tao ay dadalo roon upang manood at mamasyal.

Dahil walang alam si philip tungkol sa art at mga painting na naroon ay hindi niya nais sumama. Ngunit tila nahabag siya ni winter dahil sa pagsagot nito sa kanyang ama.

Napag-isip ang binata na tamang nagkamali nga siya, hindi nito dapat sinabi ang ganoong bagay dahil para sa kanilang magulang ay ang museum ang pinaka-mahalaga para sa kanila.

Mabuti na lang talaga at nakita kita..” natutuwa si philip habang nagmamaneho, alam niyang matalino itong si winter. Nalaman niya rin kama-kailan kay trixie na mahilig siya sa art at may experience ito sa pagpipinta.

”Pasalamat ka at tinulungan ko ngayon si deborah, napaka-swerte mo..” iyon ang sagot ng dalaga, nakahalukipkip sa tabi ni philip habang diretso ang tingin sa daan.

Nagpaalam siya kay deborah na uuwi na ito, hindi niya sinabing may lakad sila ni philip dahil hindi nito nais mag-isip ng iba ang kaibigan.

Sa totoo lang ay pabor naman kay winter ang sumama kay philip, dahil hilig niya ang arts at ilang sikat na painting ni angelina ay gusto nitong makita ng personal iyon.

”Swerte ako kung makakaraos ako ng hindi napapahiya mamaya..”

”Paano ka mapapahiya kung tutulungan kita?” nilingon ni winter ang binata, may mike at headset na ang dalaga upang magkarinigan sila ng binata. Doon sila mag-uusap upang hindi mahalata si philip.

Malakas lamang ang loob ng dalaga na may nalalaman naman siya kahit papaano, alam niya ang ilang kahulugan ng paintings kung makikita niya.

”Kung sakaling makaraos ako rito, doon pa lang ako bibilib ng tuluyan sayo..”

”Tsk, hindi ko kailangan tangkilin o hangaan mo ako. Ang akin sana, mag-aral ka ng mabuti tungkol sa negosyo niyo..” napabusangot ang binata sa sinabi ni winter, nais niyang kontrahin ang sinabi nito ngunit alam niyang walang patutunguhan kung makikipagtalo pa siya sa babaeng ito.

Lagi naman siyang talo sa mga sagutan nila.

Ilang minuto ng marating nila ang Museum, naunang bumaba si philip at sinenyasan na lamang sumunod ang dalaga. Bumuntong hininga si winter bago buksan ang pinto, naka-on na ang mike at headset nila kayat naririnig na nito ang nasa kabilang linya.

Agarang pinagkaguluhan si philip ng mga reporter, lahat ng iyon ay kanyang nginingitian. Napapailing si winter ng makita ang binata, hindi na niya ito hinintay makapasok. Nauna si winter na agad pinakita ang VIP ticket sa guard, pinapasok siya ng walang kahirap-hirap at tuluyan na ngang iniwanan si philip na ngayon nahihirapang takasan ang mga reporter.

Sa tulong ng mga guwardya ay doon lamang siya nakapasok ng walang kahirap-hirap. Ipinagbabawal ang maraming reporter sa loob dahil may mga special reporter na ang magtatanong kung sakali.

Marami rin kilalang bisita at mga VIP person na hindi nais ng makukulit na reporter.

Nililibot ni philip ang tingin dahil hinahanap niya ang dalaga, hindi niya ito makita kayat kinausap niya ito sa pamamagitan ng mike na meron siya.

”Where are you!” naiirita na 'yan, lalo na at ang tagal pang sumagot ni winter.

”Saan ka ba pupunta?” iyon ang tanong ni winter, nasa second floor na siya at nagmamasid sa mga malalaking painting na naroon.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora