EPILOGUE

532 34 2
                                    


Winter Pov

(Confession)

Naitulak ko si ashong ng marinig ang boses ni calix. Mabilis akong tumayo na halos kumakabog ng todo ang aking puso.

Nakatingin sa akin si ashong na tila hindi man lang binigyan pansin ang pagpasok ni calix sa banyo.

Hinila ako ni calix bago suruin na may pag-aalala.

”Ayos ka lang ba?” hindi ako makasagot. Nakatulala lamang ako dahil sa nangyari.

”Pinapunta ako ni giovanni dito. Nalock kayo, paano nangyari 'yon?”

”H-hindi ko a-alam.” bumuntong hininga si calix. Nilingon nito si ashong na ngayo'y tumayo na mula sa pagkaka-upo.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako makatingin kay ashong dahil sa kaganapang nangyari kanina lang.

”Ano bang ginagawa niyo dito?”

Binalewala nito si ashong na ngayo'y nananatiling nakatayo sa gilid. Hindi ko alam kung anong reaksyong meron siya. Ayoko ng alamin at nais ko ng umalis dito.

”Gusto ko ng pumasok sa susunod kong klase..” pansin kong nais pang magtanong ni calix ngunit wala itong nagawa kundi tumango. Akma akong tatalikod ng maalala ko ang sugat na natamo ni ashong.

May pag-aalala sa aking loob ngunit hindi ko alam kung paano aakto dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.

Huminto ako at nilingon si calix. Nag-aabang siya sa sasabihin ko bago lingunin si ashong. Nakatitig ito sa akin, hindi ko iyon matagalan kaya muli kong binalik ang tingin kay calix.

”Pwede mo ba siyang samahan sandali sa clinic?” nangunot ang noo ni calix sa sinabi ko. Kalaunan ay nilingon nito si ashong na biglang napa-tss at umusog papalakad.

”Hindi na kailangan. Uuwi na ako..” naglakad si ashong palabas matapos sabihin iyon. Napakatigas ng ulo nito at hindi talaga nais dinidiktahan siya.

Napabuga ako ng hangin bago muling magsalita si calix.

”Anong nangyari 'don?”

”Sinalo niya ako kanina dahil muntik na akong mahulog..”

Kunot na noo ang naging resulta sa sinabi ko kay calix. ”Bakit ka muntik ng mahulog?”

Umiling ako. ”Wala na iyon. Salamat at dumating ka, hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling manatili kami ni ashong dito.”

Kahit sa isipan ko ay hindi ko maimahe na mananatili kami ni ashong ng matagal dito. Matapos ng mangyaring iyon, hindi ko yata matatagalang makasama siya.

”Bakit ba kasi kayo narito?”

”Tinulungan ako ni ashong. Nagkaroon kasi ng problema sa suot ko kanina, dinatnan ako ng buwanang dalaw..”

”Ayos ka na ba. Wala na bang problema?” umiling ako.

”Okay na. May klase ka pa yata, pwede ka ng umalis..”

”Ihahatid na kita sa silid nyo..” wala akong nagawa ng alalayan na ako ni calix. Siya na rin mismo ang nagdala sa plastic na naglalaman ng mga gamit ko.

Dumaan kami sa locker bago tumungo sa silid kung saan ang susunod naming klase. Saktong lumabas ang unang professor na lumiko at hindi na nakita ang pagdating ko.

Natigilan ang mga classmate kong nagtatawanan bago ako pumasok. Pumasok rin kasi si calix at hinatid pa talaga ako ng tuluyan sa aking upuan.

Naroon na si deborah na ngayo'y titig na titig sa kasama ko. Binalingan siya ni calix ng tingin. Matagal ang pagtitigan nila ngunit si calix din ang unang nag-iwas.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum