Paghanga

244 14 1
                                    

Chapter 29

Third Person Pov.

Tumungo sila calix at winter sa salon matapos nilang makausap si lola perla. Isinakay nila ang matanda pauwi dahil hindi na ito natuloy tumungo ng sementeryo.

Hindi na nila naabutan si trixie at philip ng makabalik ng bahay. Ngunit hindi na iyon binigyang pansin ni winter.

Nagpaalam sila sa matanda na mamasyal na muna. Inalok nila itong sumama ngunit tumanggi ito dahil nais niyang mag-enjoy ang dalawa.

Sa isang sikat na salon kung nasaan ang kanyang ina ay doon tumungo sila calix. Iginaya niya ito papasok na agad namang dinaluhan ng mga empleyado sa loob.

”Goodmorning maam and sir..” nginitian lahat iyon ni calix. Agaran silang napansin ng kanyang ina kayat kumaway ito kay winter.

”Winter..” masigla ang tinig ng ginang, may isang babaeng abalang nag-aayos sa kanyang buhok habang kumakaway siya sa dalaga.

Nahihiyang ngumiti si winter bago ito lumapit.

”Ayusan niyo ang anak ko..” iyon ang inihayag ni leonore. Ang ina ni calix na ngayon ay tuwang tuwa sa reaksyon ni winter dahil tinawag niya itong anak.

”Anak niyo po pala ito?” namamanghang nag-usisa ang isang empleyado. Hindi maitatangging maganda si winter kahit itoy simple lang.

Lalo na ngayong tuluyan ng kuminis ang kanyang mukha, naging bagsak ang buhok nito at wala na ang kanyang nagkakapalang salamin.

”Nililigawan siya ni calix. Nitong anak ko..” nakangiti lang si calix habang naiiling.

”Bagay na bagay po sila..”

”Syempre, o sige na. Ayusan niyo ang daughter in law ko, gusto ko pagandahin niyo siya lalo at ng mainlove ng husto itong anak ko..”

”Mom..”

Natatawang nilingon ng ginang ang anak nitong nahiya bigla. ”Bakit? Mas mainam na ikaw ang todo kung magmahal sa isang relasyon, parang kami lang ng daddy mo..”

”Yes mom, but stop making her uncomfortable..”

Nilingon ni leonore si winter na napipilitan lamang ngumiti. ”Hindi ka ba kumportable sa pinag-uusapan natin?”

”Hindi naman po masyado..”

”Talaga?”

“Hindi lang po ako sanay..” natawa ang ginang sa isinagot ni winter. Botong boto sila kay winter dahil noon pa man ay kinagigiliwan na nila ito simula bata pa.

Silang mag-asawa ang nagtulak sa anak na magustuhan ang dalaga. Nagkatotoo naman at dumaan muna sila sa pagka-kaibigan bago ito umamin kay winter.

”Baka naiilang ka lang kay calix..” nilingon muli ng ginang ang anak. ”Umalis ka na, hindi ba may lakad ka pa?”

”Kukunin ko lang ang damit ni wen..”

”Kung ganon at kunin mo na, magbobonding muna kami ni winter dito..” napapakamot sa ulo si calix. Nais pa sana nitong makitang maayusan si winter ngunit heto at pinagtatabuyan na siya ng kanyang ina.

”Babalik ako after two hours..”

”Kahit mamayang hapon na, ihatid mo ako sa bar. Magdate kayo ni winter matapos non..”

”Mommy..”

”Yieeh, sige na. Take care..”

Napapailing si calix bago balingan ng tingin si winter. Ngumiti lamang ang dalaga habang inaayusan na ang kanyang buhok.

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora