Chapter 30: Dance

303K 5.7K 815
                                    

Chapter 30:
'Take my hand and let's dance the night away my love"


When someone is treating you badly your whole life, you either get used to it or you don't. In my case I just learned to bear with it. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa naging pag-uusap nina Zoe at Blaze, basta ang alam ko lang mas lalong lumaki ang galit ni Zoe sa akin.

"Keira, do you have a minute?" Raven asked.

"Sure, wala naman akong ginagawa ngayon. Ano ba yun?"

"I need to teach you some basic defense moves, at kung paano humawak ng baril at kutsilyo" he said seriously.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta, wala ng masyadong madaming tanong, sundin mo na lang ako"

Bakit kaya? Dahil ba dun sa nangyari sa ferry? Iniisip ba nila na may nagtatangka sa buhay ko? Paano kung katangahan ko lang pala kung bakit ako nahulog?

Okay, time for some lessons"

"I GIVE UP!"

"Bakit naman? Kakasimula pa lang natin ah." Gulat na tanong ko.

Kakasimula palang namin give up na kaagad sya samantalang nag-e-enjoy palang ako sa lesson namin.

"Sabi ko suntukin mo ako sa kanan, uppercut ang binigay mo! I told you to step away but you move forward instead! Sabi ko sipain mo ako pero siniko mo ako! My god, I totally give up" reklamo nya.

Ngayon pa sya mag-gi-give up, just when I was getting the hang of it. Besides, hindi naman ako yung tipo ng tao na palaaway kaya clueless ako sa mga itinuturo nya sa akin.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong turuan ng self defense? Wala namang aatake sa akin dito sa bahay"

"Basta"

"Anong basta?"

Nakakahalata na ako, parang may itinatago sya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan kong matuto ng self defense na para bang dito nakasalalay ang buhay ko.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, kung hindi isusumbong kita kay Ann Dee" pananakot ko.

Pagkabanggit ko sa pangalan ng matalik kong kaibigan nagbago kaagad ang expression ng mukha nya.

"Eh di isumbong mo, I don't fucking care" naiinis na sabi ni Raven.

"Teka, hindi na lang pala ako magsusumbong, irereto ko na lang sya sa ibang lalaki. Maganda pa naman ang kaibigan ko, for sure madaming mabibiktima yun"

"WHAT?!" Agad na sigaw ni Raven sabay tingin sa akin ng masama. "Don't you dare do that Keira!"

"Sige hindi ko gagawin yun pero sabihin mo sa akin kung bakit kailangan kong mag-aral ng self defense"

"Hindi talaga pwede"

"Sige ka, ikaw din. Gusto mo bang maagaw si Ann Dee ng iba?"

After a minute of silence and probably a lot of thinking on his part he finally told the truth.

"Fine, sasabihin ko na ang totoo but you have to promise me na magkukunwari kang wala kang alam. Si kuya ang may gusto nito para hindi ka daw magpanic at mag-alala, basta wag na wag mong irereto yung kutong lupang yun sa iba, kawawa lang yung lalaki sa kanya!"

Kunware pa sya, ayaw lang naman nyang maagaw ng iba si Ann Dee.

"I swear hindi ko sasabihin sa kanya"

"Aasahan ko yan, baka mabugbog na naman ako kapag nalaman nyang sinabi ko sayo. Anyway, alam mo naman na ang history ng mafia family namin diba?"

"Oo naman, oh tapos?"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon