Chapter 8: King

255K 5.8K 102
                                    


Chapter 8:
"I may be a commoner and you may be the king but someday I'm gonna set myself free from your reign."

"Go away" naiiritang sabi ni Bullet pagkatapos ay ikinumpas nya pa ang kamay nya na para bang nagpapalayas ng langaw.

Inihatid ako ni Raven dito sa library. Hindi pala library ang una kong napuntahan kanina kundi ang office ni Blaze. Punong puno din kasi ng libro ang office nya kaya kahit sino aakalaing library yun.

"Ano ba kasi yung magiging lesson natin?" pangungulit ko.

"Leave me alone! Layas! Go away! Alin ba dyan ang hindi mo maintindihan? Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Blaze, there is no need to teach you so you can do whatever you want. Gosh! You are so irritating!"

Iniwan ko na lang si Bullet. Hindi nya naman ako kailangang sigawan ng ganun, curious lang naman ako kung ano yung mga lessons na tinutukoy nya bago nagbago ang isip ni Blaze.

Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko may nakasalubong akong isang maid.

"Hello" bati ko.

"Hello din po Queen" ganting bati nya.

"Bakit mo ako tinawag na Queen?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil kayo po ang asawa ng King kaya kayo ang Queen"

Si Blaze ba ang tinutukoy nyang King? Bakit nya tinatawag na king yung ugok na yun? Kelan pa sya naging hari? Akala ko ba Mafia Boss lang sya?

May gusto pa sana akong itanong pero nagpaalam na sya sa akin. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad, ang balak ko babalik na ako sa kwarto ko pero hindi ko napigilan ang sarili kong mag-explore ng konti. Napadpad ako sa game room, music room, ballroom at pati weapons room hanggang sa mapadpad din ako sa kitchen.

Binati ako ng mga cook nung makita nila ako kaya binati ko nadin sila.

"Good Morning Madame, I am Flint the Head Chef, what kind of breakfast should I serve you today madam?"

"Kahit pandesal at kape na lang po" sagot ko.

"Are you sure Madame? Pandesal at kape?" Nagtatakang tanong ni Flint the Head Chef.

Ano ba ang nakakapagtaka sa sinabi ko? Ano ba ang nakakapagtaka sa pandesal at kape? Minsan nga kape lang ang breakfast ko lalo na kapag inubusan ako nina Shannon at Deniece.

Tumango ako sa kanya bilang sagot at nagsimula na syang mag-bake. Sinabihan nila akong maghintay na lang sa dining table habang hinahanda nila ang kakain ko pero tumanggi ako, gusto ko kasi silang panuorin habang gumagawa sila ng pagkain.

Ang galing lang, ang galing nilang magluto, ang ganda pa ng presentation ng mga dishes. Nagluluto din naman ako, ako kaya ang chef sa karinderia ni Tita Minerva pero aminado akong hindi ako kasing-galing nila. Nakaka-amaze, gusto ko ding matutong magluto katulad nila.

"Chef Flint, pwede mo ba akong turuan?"

He looked at me doubtfully, pinag-iisipan nya pa siguro kung tuturuan nya ako o hindi but in the end pumayag din sya.

Nagsimula na kaming magluto, bawat sabihin nya ay agad kong sinusunod and from time to time nagbibigay din sya ng tips sa akin.

After cooking a total of three dishes, tinikman nya ang luto ko and he gave me a thumbs up after tasting it.

Proud ako sa niluto ko pero nakakadisappoint lang dahil punong puno ng dumi ang mukha at damit ko samantalang si Chef Flint wala man lang ni isang bahid ng dumi.

Nililigpit ko na yung mga ginamit ko nung biglang bumukas ang pintuan at hinihingal na pumasok ang isang lalaki.

"Si Boss paparating! Galit na galit, kanina nya pa kasi hinahanap si Queen!"

Lahat sila ay napatingin sa akin at dun lang napansin nung bagong dating ang presensya ko.

"Ahh Queen, nandito po pala kayo"

Sasagot palang sana ako nung bigla na namang bumukas ang pintuan and this time si Blaze na ang pumasok.

Everyone bowed their heads, ako lang ang namumukud-tanging hindi nagbow kaya agad nya akong napansin.

"What the hell are you doing here?" Galit na tanong nya.

Ano bang kinakagalit nya? Hindi naman ako tumakas. Nandito lang naman ako sa kitchen.

"Malamang nagluluto, Kitchen to diba?"

I saw some of the Chef smiled, including Chef flint pero hindi nila ito ipinahalata kay Blaze. Hindi naman talaga ako pilosopong tao pero ang sarap lang nyang pilosopohin, kita na nga nyang nandito ako sa kitchen tapos itatanong nya pa kung anong ginagawa ko dito.

Wala akong nakuhang response mula sa kanya, wala atang pakiramdam itong baliw kong asawa but he ordered me to follow him outside, bagay na hindi ko ginawa. Kakainin ko muna yung mga ginawa ko, kahit na isang dish lang. I was about to taste one of the dishes that I made when someone carried me against my will. And that someone carried me like a sack of rice!

"Ano ba! Ibaba mo nga ako!!! Saan mo ba ako dadalhin!"

Hindi nya ako pinakinggan kaya pinagbabayo ko ang likod nya.

Habang papalayo kami hindi ko maiwasang marinig ang usap usapan ng mga tauhan nyang nakakakita sa amin.

"Grabe. Nakakaya nyang sagut-sagutin si Boss, ako nga tingin pa lang nya halos ikamatay ko na. Bilib na ako sa kanya, sya lang ata ang nakilala ko na buhay pa pagkatapos na sagut-sagutin si Boss."

Kung alam lang nila, natatakot din kaya ako.

Pagkarating namin sa kwarto ko agad nya akong binagsak sa kama.

"Im going to ask you again, what are you doing there?"

"Malamang nagluto, ano pa ba ang ginagawa sa kitchen kundi ang magluto?"

"Ang ibig kong sabihin bakit ka nagluluto dun? We have a lot of cooks, you don't need to cook" naiiritang sabi ni Blaze.

"Ano bang masama kung magluto man ako? Ang sabi ni Bullet pwede kong gawin lahat ng gusto ko. Gusto kong magluto, bakit ngayon pinagbabawalan mo ako?"

"Your my wife, hindi ka utusan dito, ikaw ang dapat na nag-uutos dito!"

"Eh bat nakasigaw ka na agad? Bingi ba ako?!" Naiinis ng sigaw ko.

"That's it. Time to put you in your place"

Akala ko may gagawin syang masama sa akin pero tinalukaran nya lang ako at nagsimula na syang maglakad papunta sa may pintuan. And before closing the door he smirk at me.

"I'm busy with something so this will be your punishment, maybe I'll see you after a week or maybe after a month or two"

Tumakbo ako palapit sa kanya, pero mabilis nyang isinara ang pintuan. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock na ito. Oh no, don't tell me he is going to lock me here?

******

⚜️

Author's Note:

This chapter is dedicated to TheDreamGirl_

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon