Chapter 12: Guard

253K 6.4K 329
                                    


Chapter 12:
"My dear hubby is guarding me 24/7"

I slowly opened my eyes. Wow. I think this is the best sleep I've had so far.

Bumangon na ako at nasa proseso na ako ng pag-uunat nung biglang bumukas ang pintuan.

"Good Morning po" bati nya sa akin pagkatapos ay nagsimula na syang maglinis.

"Nasaaan nga pala yung asawa ko?" Tanong ko. Papatayin ko pa kasi sya, tapos itatapon ko sa ilog yung bangkay nya dahil sa pagtatake advantage nya nung tulog na ako. :')

"Hindi ko po alam kung saan nagpunta si Boss, ibinilin nya na lang po na ilipat na yung mga gamit nyo dito"

Alam kong baliw ang asawa ko kaya hindi na ako nagtaka sa pabago bago nyang isip. Pero ibig ba nitong sabihin hindi na nila ako itatrato bilang katulong?

Since my husband is nowhere to be found, I decided to leave the room. Palabas na ako nung biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang hari ng impiyerno.

"Going somewhere dear wifey?" He ask habang nakataas pa ang isang kilay.

"A-ano, pupunta sana akong kitchen para kumain tapos dadalawin ko na din sana si Raven" tapos kapag may chance tatakas na din sana ako. :')

"No" agad na sagot nya.

Ganun na lang yun? No lang? Wala man lang explanation kung bakit?

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ayaw mo akong papuntahin sa kitchen at bakit ayaw mong dalawin ko si Raven?" Seryosong tanong ko.

"Ayokong pumunta ka sa kitchen at ayoko ring dalawin mo si Raven." Tipid na sagot nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na sumagot na sya o maiinis dahil sumagot na sya. Ang sabi nya ayaw nya akong pumunta dun, pero hindi nya naman sinabi ang dahilan kung bakit. Ano yun, dahil lang ayaw nya lang?

Tinalikuran nya na ako na para bang sinasabi nya na yun na ang end ng discussion. Nakaramdam ako ng inis at sa sobrang inis ko binato ko sya ng unan.

"Tsk. What?"

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko ng what. Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng kaunting freedom? Hindi naman ako aalis dito dahil alam mo naman na wala din akong ibang mapupuntahan"

"Madali naman ako kausap, if you want freedom then I'll give you a little freedom" seryosong sabi ni Blaze.

Matutuwa na sana ako sa sinabi nya pero agad nya ding dinugtungan yun dahilan para gumuho bigla ang mundo ko. Akala mo totoong talagang madali syang kausap. Tsk.

"You can't leave this room without me, you can't go anywhere without me, you can't do anything without me, that will be your little freedom, besides baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin, hindi mo pa inaamin kung paano ka nakatakas at kung sino ang nagtakas sayo dear wifey. And now you even have the guts to throw a pillow at me?"

24/7 with Blaze? Ayoko!

"Since gusto mong lumabas, come with me may pupuntahan tayong dalawa"

Isasama nya na ako kaagad kahit saan sya magpunta, hindi nya man lang ba ako bibigyan ng oras para ipagluksa yung namatay kong kalayaan?

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Pumasok sya sa isang kwarto, sinundan ko sya dun pero natigilan ako nung makita ko kung ano ang naghihintay sa amin.

May mahabang lamesa sa gitna ng kwarto, lahat ng upuan ay may nakaupo, babae at lalaki at lahat sila ay naka-itim at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Blaze, what is she doing here? Para lang sa mga top members ng organization ang meeting na ito, she's an outsider!" Galit na sabi ni Bullet.

"She's my dear wifey, she have every right to be here" kaswal na sagot ni Blaze.

Pwede bang mag-evaporate na lang? Tawagin daw ba akong dear wifey sa harap nilang lahat, nakakahiya! Upakan ko tong lalaking to eh.

Tumahimik na lang si Bullet kahit na ang totoo nanggagalaiti na sya sa akin. Kung wala lang siguro si Blaze baka matagal na nya akong ibinaon sa lupa.

Umupo si Blaze sa pinaka-gitna kaya napilitan akong umupo sa tabi nya. Katapat ko si Bullet which made the situation more awkward.

Hanggang anong oras ba tong meeting na to? Lord guide me :') Paano ko masusurvive tong meeting na to.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon