Chapter 10: Determination

239K 5.3K 101
                                    


Chapter 10:
"Determination and Stubbornness is not the same you know"

"Magsimula ngayon dito ka na matutulog sa maid's quarters"

Sakto lang ang laki ng kwarto, may mga bunk beds na nakahanay sa kaliwa at kanan. May pintuan sa dulo kung saan matatagpuan ang banyo.

"Saan ang magiging kama ko?" Tanong ko kay Esther.

Nagtinginan yung mga kasama naming maid, samantalang tumawa naman ng malakas si Esther.

"Dyan ka matutulog" Sabay turo sa sahig.

"Dito sa sahig? Bakit dito?"

Esther is so evil, dinaig nya pa si Tita Minerva, sa sahig nya ako balak patulugin, never ko pang na-try na sa sahig matulog, kahit naman katulong ang trato sa akin ni Tita Minerva nung sa kanya pa ako nakatira, may sariling kwarto at kama padin naman ako kahit na maliit lang. But this? This is downright cruel.

"Aba baka nakakalimutan mo, alipin ka na lang ngayon, subukan mo pang magreklamo at makakarating to kay Boss, buti nga at binigyan pa kita ng sahig na matutulugan, kung ayaw mo dyan dun ka sa labas, dun sa lupa!"

Umupo na lang ako sa sahig kahit na labag sa loob ko. Pagkaalis ni Esther naghanda na sa pagtulog yung ibang maids, wala man lang pumansin sa akin, either wala lang talaga silang pake o takot sila kay Esther.

Kanina after mag-walkout ni Blaze hinila na ako kaagad ni Esther papunta dito, ni hindi nya na ako pinakain ng dinner, mabuti na lang at nakakain ako kanina sa mall. Mukhang mahihirapan ako ngayong gabi, ang sakit pa din ng paa at binti ko dahil sa ilang oras na paglalakad tapos ngayon sa sahig pa ako matutulog, good luck na lang sa akin.

***

Pagkagising ko naramdaman ko kaagad na masakit ang boung katawan ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero wala na lahat ng maid na kasama ko dito sa kwarto kaya naman hindi agad maipinta ang mukha ni Esther nung pumasok sya sa kwarto namin. 

"Isuot mo yan. Bilisan mo at magseserve ka pa ng breakfast"

Inihagis ni Esther sa akin ang isang maid's uniform pagkatapos ay iniwan nya na ako. Iika-ika akong pumunta sa banyo. Chineck ko ang paa ko, kaya naman pala sobrang sakit ng paa ko, may sugat pala. Nakuha ko siguro ito dun sa rubber shoes, hindi kasi ako nagmedyas tapos ilang oras pa akong naglakad lakad kahapon.

Pagkatapos kong mag-ayos dumiretso ako sa kitchen pero hindi ako makapaglakad ng maayos, tumatama kasi sa sapatos ko yung sugat ko sa tuwing naglalakad ako. Pagdating ko sa kitchen nakaready na ang breakfast ni Blaze, ako na lang ang hinihintay para maghatid nito.

"I'm really sorry, hindi kita nasundo, pagkahatid ko kasi sayo dumating na si Boss at nagwala sya nung malaman nyang nawawala ka. I can't leave because it would look suspicious" Paliwanag ni Chef Flint nung lumapit ako sa kanya.

Naiintindihan ko naman yun, he doesn't want to lose his job kaya nga kahit na pahirapan ako ni Blaze hindi ko aaminin na si Chef Flint ang nagtakas sa akin.

"Okay lang po yun" Sagot ko naman. I even smiled at him to reassure him.

Nagpaalam na ako kay Chef Flint dahil ihahatid ko pa ang breakfast ni Blaze. Hindi ako gaanong nahirapan dahil imbes na itulak yung cart, sinakyan ko ito na parang skateboard. Pagdating ko sa office nya, kumatok ako ng malakas sa may pintuan. Walang sumagot sa akin pero binuksan ko na din ang pintuan.

"Special delivery. Here's your breakfast Master, Boss, King, Mahal na hari. Ano pong gusto nyong itawag ko sa inyo?" I ask sarcastically, kahit sa gantong paraan man lang makabawi ako sa kanya.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon